Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: K+12 program ipatutupad na ngayong taon

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 15 (PIA) - Inihayag ni Department of Education (DepEd) Bacon District Division head Leon Gaon na ipatutupad na ngayong taon ang bagong kurikulum ng Deped na K+12 mula sa Grade 1 hanggang Grade 7 o unang taon sa hayskul.

Aniya madadagdagan na ng dalawang taon ang basic education curriculum sa bansa subalit hindi umano ito dapat na ikalungkot ng mga magulang at mag-aaral sapagkat kung titingnan sa positibong perspektibo, mas mapapataas pa ng programang K+12 ang antas ng kalidad ng mga mag-aaral at ng basic education sa bansa.

Ipinaliwanang niyang ang dalawang taong madadagdag sa pag-aaral ay matapos ang apat na taong programa sa hayskul kung saan tatawagin itong senior high school.

Sa pamamagitan umano ng programang ito ay makakasabay na ang mga mag-aaral sa Pilipinas sa ibang bansa sa Asya na may kahalintulad na kurikulum. Kadalasan umanong nagiging hadlang sa paghahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino ang kakulangan sa bilang ng taon ng pag-aaral sa basic education.

Isa din umano sa magandang adhikain ng programa ang matugunan ang suliranin sa mataas na bilang ng mga bumibitiw sa kalagitnaan ng pag-aaral na karaniwang kawalan ng kaalaman ang idinadahilan sa dami ng pinag-aaralan at kawalan na rin ng interes.

Matatandaang sinimulan na noong nakaraang taon ang universal kindergarten program at ipatutupad naman sa 2016 ang Grade 11 o high school year 5 at Grade 12 o high school year 6 sa taong 2017. Nakatakdang magtapos ang unang batch ng mga mag-aaral sa ilalim ng K+12 program sa taong 2018.

Binigyang-diin din niya na idinisenyo din ang programa sa interes ng mga mag-aaral at makakapamili ito mula sa kanilang mga elective subject ayon sa interes nila kung saan pagkatapos ng hayskul ay maaari na nilang magamit upang makahanap ng mapagkakaitaan sakaling hindi na sila makakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa kolehiyo. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines