Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog News:Kampanya laban sa aktibidad na sumisira sa likas yaman pinaiigting

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Jan 17 (PIA) –- Higit pang pinaiigting ngayon ng bayan ng Sta. Magdalena ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na mangingisda at sa mga sumisira ng kanilang mga yamang tubig at iba pang natural na yaman.

Ito ay matapos na maipasa ng Sangguniang Bayan ng Sta Magdalena ang Municipal Ordinance No 02 s. 2011 na, “An ordinance providing for the development, management, conservation, protection, utilization and disposition of all fish and fishery/aquatic resources within the municipal waters of Sta. Magdalena and other purposes.”

Ayon kay Councilor Antonio G. Frilles, may-akda ng ordinansa, bahagi umano ito ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kanilang seguridad sa pagkain, matiyak ang sustenableng pag-unlad, pamamahala, at pangangalaga ng lahat na uri ng mga lamang-dagat at mga yamang pangkaragatan kasama na rin ang pangangalaga sa kalikasan sa kanilang sakop na lugar.

Hindi rin umano nila isinasantabi ang kalagayan at karapatan ng mga mangingisda at yaong mga nasa sektor ng pangingisdaan pati na rin ang mga kababaihan at mga kabataan. “Maliban dito ay buo ding maibibigay ng pamahalaang bayan ng Sta Magdalena ang kanilang suporta sa pamamagitan ng naipasang ordinansa,” pahayag pa ni Frilles.

Kabilang aniya sa mga suportang ito ay ang kaukulang mga pagsasaliksik at tamang teknolohiya, suportang pinansyal, produksyon, konstruksyon ng mga post harvest facilities, tulong upang maibenta ang mga ani at iba pang mga serbisyo.

Pinagtibay din ng ordinansa ang kanilang Municipal at Barangay Fisheries and Aquatic Resources sa pamamagitan ng paglalagay ng taunang pondo dito, at nasa balikat naman ng konseho ang pagpapatupad at pagrerekomenda ng mga kaukulang batas at paggiya sa paghahanda ng kanilang Municipal Fishery Development Plan. (PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines