Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Breastfeeding, itinataguyod at isinusulong sa Naga

ni Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Enero 18 (PIA) -- Alinsunod sa layunin ng pamahalaan na maabot ang mithiin ng Millennium Development Goals o MGD sa larangan ng kalusugan, ay mahigpit na isinusulong ngayon dito sa lunsod ng Naga ang pagpapasuso ng ina o breastfeeding.

Suportado din ito ng isang city ordinance No.2011-032 na pinadrinuhan ng Konsehal ng lungsod na si Nene De Asis. Ngayong araw ay nakatakda itong makipag pulong sa ilang miembro ng loical advocacy group na nagsusulong ng kahalintulad na adbokasoya. Ito ay upang pag usapan ang mahahalagang bagay sa pagpapatupad ng naturang ordinansa.

Sa ilalim kasi ng naturang kautusan, obligado ang mga ahensya ng pamahalaan at maging ang mga pribadong tanggapan na maglaan ng isang kwarto para sa mga ina na kailangang mag pasuso ng kanilang mga anak kahit sa oras ng trabaho.

Iminungkahi rin ni De Asis na dapat na may sapat na bentilasyon, dapat pribado, at komportable ang naturang kwarto. Anya, obligasyon din ng isang nag ma-may ari ng isang tanggapan na magtalaga ng isang breastfeeding room para sa mga inang nag nanais na magpasuso ng kanilang anak.

Inaasahan na ang promosyon ng isang breastfeeding areas ng mga tanggapan sa ibat-ibang panig ng bansa, sa mga pagawaan at maging mga pribadong opisina ay tutugon sa layunin ng pamahalaan na maingat ang kalusugan ng mga sanggol alinsunod sa panuntunan ng MDG. Isinasa alang alang din kasi nito ang kalusugan ng ina sa pamamagitan ng pagpapanatili na maayos ang kanyang pangangatawan para sa kanyang pina padedeng anak.

Ilan sa mga nais maabot ng MGD ay ang pagbabawas o pagtanggal ng kahirapan sa bansa, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag aangat ng kabuhayan ng bawat pamilya at komunidad na kanilang ginagalawan.

Sa kasalukuyan ay halos may 22 ng breastfeeding centers sa loob ng lunsod ng Naga alinsunod na rin sa panukala na mahigpit ding isinusulong ng alkalde ng Lunsod na si John Bongat. Pinag pa planuhan na rin na maglagay ng isang kahalintulad na pasilidad sa mismong loob ng City hall. (MAL/LSM/DCA-PIA Camarines Sur)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines