Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: Nahuli sa iligal na pangunguha ng buhangin at gold tailings bumaba sa taong 2011

by Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Enero 20 (PIA) -- Bumaba sa tatlo noong 2011 kumpara sa walo ng taong 2010 ang nahuli sa iligal na pangunguha at pagbibiyahe ng buhangin at gold tailings noong nakaraang taon batay sa naitala ng tanggapan ng Ecosystem and Environmental Resource Management Division (EERMD) ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Supervising Environmental Management Specialist Engr. Leopoldo P. Badiola ng EERMD, ang mga naitalang nahuli ay kinabibilangan ng isang trak na may kargang gold tailings at dalawang trak na may kargang buhangin.

Ito ay dinakip sa pamamagitan ng Governorís Task Force sa pamumuno ni Governor Edgardo A. Tallado.

Ang mga nahuling sasakyan ay pinakawalan agad matapos na ang mga may-ari ay makapagbayad ng kaukulang multa batay sa Provincial Ordinace bilang 09-92 at Provincial Ordinance bilang 21-95.

Ang pagbaba ng kaso ay bunsod ng pagtalima ng mga may-ari sa mga proseso kung saan kumukuha ng permiso ang mga walang permit at ganon din sa pagpapatupad ng programaang Sand and Gravel and Small-Scale Mining Regulatory Programs ng pamahalaang panlalawigan.

Nagtalaga rin ng mga bantay o checkpoints sa mga lugar kung saan may mga minahan ganundin sa mga lugar na pinagkukunan ng buhangin at bato sa lalawigan. (MAL/RBM/ROVJ-PIA Camarines Norte)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines