Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog News: Bayan sa Masbate nagkampiyon sa Sinulog grand parade sa Cebu

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 19 (PIA) –- Mainit ang gagawing pagsalubong ng mamamayan ng Placer sa lalawigan ng Masbate sa cultural dancers ng kanilang bayan kasunod ng pagkampyon ng Placer sa unang pagsali nito sa Sinulog-based category ng prestihiyosong Sinulog grand parade kamakalawa sa lungsod ng Cebu.

Natalo ng Kulturang Placereño ang pagganap ng 22 katunggali nito sa Sinulog-based category.

Naagaw ng Kulturang Placereño ang tropeo sa Sinulog-based category na sa magkakasunod na walong taon ay hinawakan ng Tribu Sinanduloy ng Tangub City sa Misamis Oriental.

Bukod sa titulo, nakuha din ng Kulturang Placereño ang best in costume at best in musicality awards sa Sinulog-based category kaya bukod sa cash price na P1 million na kaakibat sa titulo, natanggap din ng Kulturang Placereño ang dagdag na P150.000.

Ayon kay Merien Cervantes-Esber, ang tagapagsalita ng Kapitolyo ng Masbate, pinuri ng mga judges ang anila’y sariwang ideya ng Kulturang Placereño sa pagsamba sa Sto. Niño.

Ayon kay Esber, nabigo mang mapanatili ng Placer ang titulo nito sa free interpretation category nang matalo ito sa Tribu Lingganay ng bayan ng Alang-alang sa Leyte, nakilala naman sa husay ng Placer sa Sinulog-based category.

Ngayong araw inaasahan ang pagbabalik sa Placer ng mananayaw na pinamunuan ng kanilang alkalde, Mayor Judd Lanete kaya nakahanda na ang mga mamamayan sa gagawing mainit na pagsalubong. (MAL/EAD- PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines