Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Saturday, January 21, 2012

Tagalog news: Konstruksyon ng nalalabing 2011 infrastructure projects sa Masbate malapit ng matapos

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 21 (PIA) -- Sa harap ng maagang simula ng konstruksyon ng 2012 infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways, dinoble na ang pagsisikap na matapos nito nang maaga ang mga proyekto sa Masbate na sinimulan ng nakalipas na taon.

Sa pinakasariwang ulat ng Masbate First Engineering Office na inilabas kahapon, apat na lamang ang patuloy na ginagawa sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Ang apat ay silid aralan sa Floro Medina National High School sa bayan ng Mobo, silid aralan sa Luy a National High School sa bayan ng Aroroy, silid aralan sa Mataba National High School sa Aroroy at lansangan sa bayan ng Baleno.

Sa naturang ulat, kinumpirma ni DPWH District Engineer Reynaldo Alconcel na yari na ang 11 iba pang construction at rehabilitation projects sa taong 2011.

Kabilang sa 11 ang Tawad-Balud Road, Masbate Milagros Road, Masbate Circumferential Road, Masbate-Milagros Road at Cataingan-Placer Road na nagdudulot na ng ginhawa sa mga motorista.

Ayon kay Alconcel, tapos na rin at nagagamit na ang dagdag na classroom sa Maingaran Elementary School, classroom sa Rene Malvar Elementary School, classroom sa Capitolina Legaspi High School, classroom sa Sinalongan Elementary School classroom sa Tigbao Integrated School, at classroom sa Damaso Rubia National High School.

Nauna rito, inihayag ng pamunuan ng DPWH na maagang sisimulan ang konstruksyon ng infrastructure projects sa buong Bikol kaugnay ng pinabilis na expenditure program ng pamahalaan upang gatungan ang domestic consumption at mapalago ang ekonomiya sa kanayunan.

Bukod sa P500 milyon na calamity fund na inilabas nang nakaraang buwan, may P5.5 bilyon na inilaan ang DPWH para sa infrastructure projects nito sa Bikol.

Napag-alaman kay DPWH Regional Director Danilo Dequito na karamihan sa mga proyektong ito ay sumailalim na sa bidding bago natapos ang buwan ng Disyembre.

Aniya ang mga nalalabing proyekto ay ibi-bid out sa mga contractors bago matapos ang kasalukuyang buwan. (EAD)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines