Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Sunday, January 22, 2012

Tagalog News: MGB Bicol chief nagbabala sa mga LGU ukol sa mga lugar na delikado sa baha at landslides

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 22 (PIA) -- Alinsunod sa bagong utos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon J. Paje, nanawagang muli si Bicol Mines and Geosciences Bureau (MGB) V officer –in-charge Luis B. Loyola sa mga lokal na chief executives ng Bicol na bigyan ng kaukulang pansin ang babala ng panganib sa mga lugar na delikado sa baha at landslide.

“Sa pagsimula ng maulan na panahon nitong huling tatlong buwan ng nakalipas na taon na nagpapatuloy hanggang sa buwan ng Pebrero, inaasahang mas marami pa ang landslides at flashfloods na maaring magdala ng panganib sa mga natukoy na disaster prone areas sa Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Sorsogon and Camarines Norte,” aniya Loyola.

Ayon pa kay Loyola, ang ginawang geohazard mapping at assessment ng MGB V para sa rehiyon ng Bikol noong 2010 ang nagbigay daan sa 1:50,000 scale geohazard maps.

Karamihan sa mga local government units ay nabigyan na ng nasabing mapa upang maisama ang kaukulang paghahanda at pagiimbestiga, gayundin ang pagtukoy ng posibleng relocation o evacuation sa kanilang local disaster risk reduction planning. Kasama sa MGB-V 1:50,000 scale geohazard mapping program ang 113 munisipalidad at lungsod sa buong Bicol.

Dagdag pa ni Loyola, ipinagpapatuloy pa rin ng DENR ang kanilang geohazard mapping program kasama na ang iba pang pangunahing proyekto na inilunsad sa nakalipas na taon upang malikha ang 1:10,000 scale geohazard maps for flood and landslide-prone areas para sa buong bansa.

“Ang proyektong ito any tinatawag na densification of geohazard and climate change maps na naglalayong makalikha ng 1:10,000 scale geohazard maps upang maipakita an mas malawak na detalye ng mga nasa panganib na lugar,”paliwang ni Loyola.

Bukod dito, kanya ring inilahad na kasama sa mga detalye na makukuha sa nasabing mapa ang kinaroroonan ng populasyon na nasa panganib, at mga parameters o katangian na pwedeng makaapekto sa katatagan ng lupa at uri ng landslide na maaring mangyari.

Ang mga lalawigan at lungsod ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate ang ilan sa mga napiling makakasama sa densification project.

Ipinaalalang muli ni Loyola ang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Agosto 17, 2011 sa Maynila sa pagitan ni Environment and Natural Resources Secretary Paje at Albay Governor Jose S. Salceda na pag-aralan ang panganib na maaring maging dulot ng landslide at pagbaha sa mga lungsod at lalawigan.

Kasama sa mga pag-aaralan upang mas mapabuti pa ang disaster risk reduction plans ng Local Government Units (LGUs) ang lungsod ng Legazpi, Ligao at Tabaco at lalawigan ng Libon, Polangui, Jovellar, Bacacay, Malilipot, Manito, Sto. Domingo, Oas, Pio Duran, Malinao, Rapu-Rapu at Tiwi, aniya Loyola.

Paliwanag pa ng DENR Secretary, ang nasabing MOA ay siya ring nagbigay tungkulin sa DENR, sa pamamagitan ng MGB, na magsagawa ng geohazard mapping sa sukat na 1:10,000, pag-aralan ang landslide at flood prone areas, tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon sa lugar na nanganganib sa landslide at baha at mas mapabuti pa ang paggawa ng flood hazard at landslide hazard models sa mga delikadong lugar sa probinsiya ng Albay simula 2011 hanggang 2012.

Kaniya ring idinagdag na napag-aralan na ng grupo ng geologists at technical personnel galing MGB Central Office sa Bicol ang lungsod ng Ligao at tabaco kasama na ang lalawigan ng Polangui, Sto. Domingo, Malinao, Tiwi at Libon kung saan kasalukuyang ginagawa ang nasabing pag-aaral. (MAL/SAA, PIA V/Albay)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines