Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Crackdown sa mga walang prangkisang sasakyan ilulunsad ng Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 19 (PIA) –- Mabibilang na ang araw ng mga sasakyan na iligal na pumapasada sa highway ng lungsod ng Masbate dahil sa sisimulan na ng pulisya ang mahigpit na pagpapairal ng batas trapiko.

Sa panayam ng lokal na radio ngayong umaga, sinabi ni Supt. Rodolfo Abella, ang hepe ng Masbate City Police, na simula bukas ay pipigilin ang mga pumapasok sa siyudad na mga walang prangkisang sasakyan na nagmumula sa ibang bayan.

Karamihan nito ay mga traysikel na nagmumula sa karugtong na bayan ng Mobo na ayon sa hepe ng pulisya ay hindi maaring bigyan ng prangkisa dahil paglabag sa batas trapiko ang kanilang pagdaan sa mga pambansang lansangan.

Paboritong sakayan ng mga estudyante at empleyado mula sa bayan ng Mobo ang traysikel sa kanilang pagpasok sa paaralan at trabaho sa siyudad ng Masbate dahil sa nakakatipid umano sila sa oras at pasahe.

Bukod sa mga traysikel, target din ng Masbate City Police ang mga jeepney, bus, vans, at motorsiklo na iligal din na pumapasada at pumapasok sa siyudad.Subalit mapanganib sa traysikel na bumiyahe sa mga pambansang lansangan dahil malalaking sasakyan tulad ng bus at truck ang gumagamit nito.

Ayon kay Abella, magtatayo sila ng checkpoint sa hangganan ng Mobo at ng siyudad upang maharang ang mga kolorum na sasakyan.

Upang mabigyan ng karampatang babala ang publiko sa abala na maaring idulot ng pagpigil sa mga masasambot na traysikel, isinahimpapawid kanina ng hepe ng pulisya ang pakiusap sa mga commuters na iwasan na ang pagsakay sa mga traysikel kung sila’y nagmula sa bayan ng Mobo at tutungo sa siyudad.

Mayroon naman umanong mga mutlicab at jeepney na mas ligtas na sasakyan.

Tiniyak ni Abella na may contingency plan na ang pulisya upang tugunan ang anumang epekto ng crackdown sa mga kolorum, kabilang na ang maaring kakapusan sa sasakyan. (MAL/EAD-PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines