Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: DTI nagbabala sa publiko laban sa text scams

ni Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Jan. 26, (PIA) -- Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lalawigan laban sa mga kaso ng text scams sa lalawigan.

Ang naturang babala ay ipinalabas ng DTI Catanduanes provincial office sa gitna ng mga napaulat na isyu ng scams kung saan nanghihingi umano ng load o pera ang mga suspek.

Ayon sa DTI, ang lehitimo at aprobadong sale promotions sa pamamagitan ng short messaging service (SMS) o text messaging ay karaniwang binibigyan ng permit number sa oras ng aplikasyon at 30 araw bago simulan ang isang promosyon.

Maaari umanong malaman ng mga consumers kung totoo ang isang contest at raffle promo sa www.stincr.ph o maaari ring tumawag sa DTI sa numerong 751-3330.

Pwede ring magreklamo at magreport sa National Telecommunications Commissionís One-Stop Public Assistance Office (OSPAC) sa numerong 926-7722 o sa e-mail na ospac@ntc.gov.ph.

Ayon pa sa DTI, ang mga text scams ay karaniwan umanong mula sa 11-digit cellphone numbers sa halip na three- or four-digit number na ibinibigay ng cellphone networks.

Isa umanong simbolo na ang mensahe ay isang scam kapag nakasaad na ikaw ay nanalo sa isang raffle promo kahit wala ka naming sinalihan. Nanghihingi rin umano ang mga ito ng load o depositong pera bilang processing fee o tax payment bago makuha ang premyo.

Dagdag pa nito, nakasaad sa batas na ang mga nanalo ng P500 ay kailangang ipaalam sa pamamagitan ng liham at hindi sa pamamagitan ng text messages. (MAL/EAB/PIA-5)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines