PIA Press Release Thursday, January 26, 2012Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom examsLUNGSOD NG MASBATE, Enero 26 (PIA) -- Isa sa service improvement projects na ipinapatupad ng National Police Commission kaugnay ng darating na exams ng mga nagnanais maging pulis at mga pulis na gustong tumaas ang ranggo ay ang "on-line examination application scheduling system."Sa bagong sistema, inaasahan hindi na maulit ang napakahabang pila at paghihintay ng mga aplikante sa pinakahuling filing ng aplikasyon ng mga aspirante. Ang bagong sistema ay inihayag ni Napolcom Bicol Director Rodolfo Santos, Jr. sa pamamagitan ng liham na natanggap kahapon ng mga estasyon ng radyo sa Masbate. Ayon kay Santos, ang filing ng aplikasyon ay uumpisahan sa Pebrero 14 at isasara sa Marso 16. Subalit hindi katulad ng una na iniistima ang walk-in applicants, kailangan nilang kumuha muna ng appointment upang maitakda ang partikular na araw na sila ay personal na maghaharap ng aplikasyon. Alinsunod sa bagong sistema, ang Napolcom ay hindi tatanggap ng aplikasyon mula sa walang "confirmed scheduled appointment." Ang appointment ay makukuha mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 13. Para makakuha ng appointment, ang aplikante ay kailangan mag log on sa www.napolcom.gov.ph , ang opisyal na website ng Napolcom. Sa website, kailangan punan ng aplikante ang mga hinihinging datus. Ilang sandali matapos maisumite ang datus, may lalabas na reply na anyong sulat na nagsasaad kung kailan ang aplikante ay personal na pupunta sa Napolcom upang magharap ng kanyang aplikasyon. Bago mag log out sa website, i-print out ang letter-reply sa computer dahil kasama ito sa mga dokumentong kailangan niyang dalhin sa Napolcom. Ang examinations ay itinakda sa Abril 29. (MAL/EAD, PIA Masbate) |