Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: P .5-M tulong mula sa Senado, gagamitin sa itatayong silid aralan ng Malungon

MALUNGON, Sarangani, January 2 (PIA) -- Muli na naman tatanggap ng tulong mula sa Senado ang bayan ng Malungon, Sarangani para sa isang proyektong pang-edukasyon.

Ang kalahating milyong pondo, ayon kay Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, ay igugugol upang lalong mapagtibay ang sistema’t pasilidad ng edukasyon ng naturang bayan.

Masigla na ipinaabot ng Senado kay Constantino ang pagbigay ng kaukulang pondo para sa ipapatayong silid aralan sa Banate National High School, isa sa mga may pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral sa naturang bayan.

Ang pagbibigay ng pondo ay ayon sa bisa ng isang special allotment release order (BMB-A-11-T00000376) na nilagdaan ni Sen. Loren Legarda bago pa man tuluyang magtapos ang taong 2011.

Ayon kay Constantino, ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga proyektong kahalintulad nito ay malaki ang maitutulong sa seryosong hangarin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga kabataan, lalo na yaong mga nabibilang sa indigenous peoples (IPs) ng bayan.

“Dako ang akon pagpati nga ang edukasyon amo ang magaluwas sa aton kontra sa kapobrehon (I have strong belief that only education can save us from poverty),” ani Constantino.

Nauna ng pinahayag ni Senator Legarda sa isang pagtitipon kasama ang mga mamamahayag na maliban sa pagpapatayo ng mga silid aralan ay hangarin din nito na mabigyan ng sapat na pansin ng pamahalaan ang pagpapagawa ng mga mas matibay na imprastraktura sa mga pang-gobyernong pamantasan nang sa gayo'y masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa mga di inaasahang paghagupit ng kalikasan.

Noong nakaraang taon, binuksan din ng lokal na pamahalaan ang Felipe K. Constantino Elementary School sa Brgy. Datal Tampal na nagbigay ng pagkakataon sa maraming kabataan mula sa tribong Blaan na makapag-aral ng elementarya.

Kamakailan lamang, matiwasay naidaos ng ABS-CBN Foundation at National Development Support Command (NADESCOM) ang inagurasyon para sa dalawang silid aralan na nagkakahalaga ng P800,000 sa Lamlifew Elementary School dito pa rin sa bayan ng Malungon sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan. (Isagani Palma/MIO-Malungon/CT Apelacio/PIA General Santos City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines