Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: Iligal na pagtotroso, katiwalian lalaban ni OIC Gov. Hataman

COTABATO CITY, Enero 2 (PIA) -– Dalawa umano sa malalaking hamon sa pamunuan ni ARMM OIC-Governor Mujiv Hataman ay ang matigil na ang tinatawag na ‘illegal logging’ at ‘corruption’ sa rehiyon.

Ito’y kanyang binigyang-diin sa isinagawang talakayan na kanyang ipinatawag noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa gobernador, personal na iniutos sa kanya ni Pangulong Aquino na imbestigahan ng maigi ang matagal ng ipinagbabawal na pamumutol ng kahoy sa ilang lugar ng Lanao del Sur na pinaniniwalaan umanong isa sa mga dahilan sa pagbaha sa mga karatig lugar nito- Bukidnon, Cagayan de Oro City at Iligan City.

Isang araw matapos siyang manumpa bilang OIC-Governor sa ARMM kapalit ni dating OIC-Governor Ansaruddin A. Adiong, si Hataman ay agad na tumungo sa Lanao del Sur at kinausap si Lanao deL Sur Governor Mamintal”Bombit” Adiong, Jr. hinggil sa usaping ‘illegal logging’ sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Hataman, sa kanyang masinsinang pakipagpulong kay Governor Adiong kasama ang ilang matataas na lider ng naturang lalawigan at ang PNP, AFP, sinabi nito na nangako ang kanyang mga nakausap na sisikapin ang pagbabantay sa pamumutol ng kahoy sa nabanggit na lugar at mapaparusahan, ayon sa kanya, ang sinumang mapapatunayang lumabag sa illegal logging.

Hinggil naman sa tanong kung papapaano lalabanan ng gobernador ang “corruption” sa rehiyon, ito ang naging tugon ni Hataman, “Hindi basta-basta matitigil sa isang iglap ang corruption sa gobyerno pero unang hakbang na ginawa ko ay hiningian ko ng ‘status report’ ang Commission on Audit (COA) ng budget ng iba't ibang proyektong pinondohan ng ARMM upang sa ganun ay malaman ko kung tama ba ang paggamit ng budget ng ARMM”.

Nangako si ARMM OIC-Governor Hataman na sisikapin niyang magamit ang pondo sa kanyang panunungkulan sa tamang paraan at kanyang mariing sinabi na bukas ang kanyang tanggapan sa publiko na alamin ang kasalukuyang budget ng ARMM. “ Ipapaprinta ko sa pamamagitan ng ‘tarpaulin’ at ilalagay sa ground floor ng Office of the Regional Governor ang anumang pundo ng ARMM,” ang pahayag ng gobernador. (Moner C. Dayaan-PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines