Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 16 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news:Ikatlong batch ng relief goods ipinadala ng 6ID sa mga biktima ng bagyong Sendong

KORONADAL CITY, Enero 3 (PIA) –- Limang trak ng militar ang umalis sa Camp Siongco, sa Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao alas-tres kaninang madaling araw lulan ang mga relief goods na nakalap ng 6th Infantry Battalion , Philippine Army para sa mga biktima ng bagyong Sendong sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, tagapagsalita ng 6ID, ito na ang ikatlong batch ng relief goods na kanilang ipinadala para sa mga biktima ng bagyo sa Northern Mindanao.

Kasama sa convoy ang tatlong trak ng non-food items kabilang ang mahigit apat na libong mga pala na bigay ng tanggapan ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR. Samantala, lulan naman sa dalawa pang trak ang mga iba't-ibang relief goods at mga pagkain na ibinigay ng mga donor mula sa mga residente at kompanya sa Maguindanao, Cotabato City at iba pang lugar na nasasakupan ng 6ID.

Ani Asto, ang mga relief items ay iiindorso ng grupo ni Cpt. Maniago Macalintangui ng Civil Military Operations Unit ng 6ID sa kanilang counterpart sa 4ID sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro para naman sa pamamahala at distribusyon nito sa mga evacuees.

Samantala, alinsunod sa kautusan ni BGen Rey Ardo, commanding general ng 6ID, nagpapatuloy ang 24/7 na partisipasyon ng tropa ng militar sa Operation Tulong Sendong (OTS) at sa mobilisasyon ng mga tulong para sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Sa ngayon, ayon kay Asto, nagpapatuloy ang kanilang pagtanggap ng mga donasyon para sa mga nagnanais magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Northern Mindanao.

Maaring dalhin ang donasyon sa relief dropping center sa Camp Siongco sa Awang, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines