Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news:Mga mangingisda sa Sarangani at General Santos City pinag-iingat

KORONADAL CITY, Enero 3 (PIA) -- Nananawagan si Sarangani Gov. Miguel Rene Dominguez sa mga mangingisda sa lalawigan ng Sarangani at karatig lungsod ng General Santos na mag-ingat sa paglalayag.

Ito ay dahil sa may namumuong low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao na maaring makaapekto sa lagay ng panahon sa dalawang lugar.

Panawagan ni Gov. Dominguez lalung lalo na sa mga mangingisda ang matinding pag-iingat dahil may posibilidad na maging 'tropical depression' ang naturang LPA.

Kung sumasama na ang panahon at lumalakas na ang alon, mas mainam na hindi na sila maglalayag, payo ng gobernador. Mahalaga umano ang pagbabantay dahil maaring maging mitsa pa ng pagkalagas ng buhay ang naturang sama ng panahon.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang alas dos ng madaling araw, namataan ang LPA sa layong 600 kilometro silangan timog silangan ng General Santos City.

Ayon sa PAGASA, ang silangang Kabisayaan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitaan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na magiging maulap na may malawakang pag-ulan sa silangan at katimugang Mindanao na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang hangin ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas mula sa hilagang silangan at silangan hanggang sa kung minsan ay maalon na karagatan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines