Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news:Mga kompanyang matamang magpapatupad ng mga labor law bibigyan ng insentibo

KORONADAL CITY, Ene. 3 (PIA) -- Ipatutupad ng Department of Labor and Employment ang bagong estratihiya sa paghihikayat sa mga kompanya sa pribadong sektor na sundin ang mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

Ayon DOLE-12 Regional Director ang bagong estratehiya ay kinabibilangan ng pagbibigay ng insentibo sa mga kompanyang matamang sumusunod sa labor standard laws.

Sa ilalim ng Incentivising Compliance Program (ICP), isang tripartite social audit team na magmumula sa sektor ng mga manggagawa, management, at gobyerno, ang mag-iikot sa mga kompanya sa rehiyon at magsasaliksik kung patuloy ba itong sumusunod sa mga labor standard laws at kaparehong mga panuntunan.

Ang mga kompanyang patuloy at maayos na nagpapatupad ng mga batas para sa kapakanan ng kanilang mga mangagawa ay bibigyan ng parangal, ayon kay Director Tango.

Kabilang din sa naturang programa ang pagbibigay ng tulong sa mga kompanya na nagkulang sa pagpapatupad ng mga labor standard law. Gagabayan sila hanggang maayos na nilang maibibigay ang tamang benepisyo at proteksyon sa kapakanan ng mga trabahante.

Bagama’t aminado si Director Tango na hindi ito ganap na solusyon sa problema ng hindi pagsunod ng mga kompanya, umaasa siya na mapapaunlad nito ang antas ng pagtalima ng mga kompanya sa mga batas patungkol sa mga manggagawa.

Base sa isinagawang routine inspection ng DOLE 12 nitong nakalipas na taon, aabot sa mahigit dalawampung porsiyento sa mga pribadong kompanya sa buong rehiyon ng Soccsksargen ang hindi sumusunod labor standard laws, kabilang ang pagbibigay ng wastong pasahod. Agad naman silang pinaalalahan ng DOLE na sundin ang batas. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines