Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news:Tropa ng pamahalaan binabantayan ang galaw ng NPA sa South Cotabato, Sultan Kudarat

KORONADAL CITY, Ene 3 (PIA) – Lalo pang pinalakas ng mga tropa ng pamahalaan ang kanilang operasyong pang-seguridad sa Lalawigan ng South Cotabato at Sultan Kudarat, kasunod ng nakalap na impormasyon na muli umanong aatake ang mga rebeldeng komunista sa ilang kompanya ng minahan na nasa lugar.

Kinumpirma ni 27th Infantry Battalion commander Lt. Col. Alexis Bravo na mayroon silang natatatanggap na intelligence report hinggil sa planong pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga pasilidad ng Sagittarius Mines na nasa bayan ng Tampakan sa South Cotabato.

Mayroon umano silang na-monitor na galaw ng mga rebelde habang sinuspende ang operasyon ng mga military kaugnay ng ipinatupad na tigil-putukan.

Binigyang diin ni Bravo mananatili umano ang kanilang pinataas na alert status upang maseguro na walang karahasang mangyayari sa lugar.

Kahapon, idineklara na rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pagtatapos ng 18-araw na tigil-putukan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng mga rebelde, kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Kaagad ding ipinag-utos ng pamunuan ng militar ang panunumbalik ng peace and development mission ng mga sundalo sa mga malalayong komunidad ngunit dala ang babalang mag-ingat at maging security-conscious sa lahat ng oras. (ac agad PIA12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines