Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news: Mga ilog sa Cotabato City ininspeksiyun ni NDRRMC chief USEC Benito Ramos

COTABATO CITY, Ene. 3, (PIA) -- Sa harap ng trahedya na sinapit ng libu-libong residente ng Cagayan de Oro at Iligan bunsod ng malawakang pagbaha dala ng bagyong Sendong kamakailan, napasugod sa lungsod ng Cotabato City si Undersecretary Benito Ramos.

Kahapon, Enero 2, ininspeksiyon ni Usec Ramos ang ilang malalaking ilog sa lungsod upang personal na makita ang lebel ng tubig sanhi ng mga pag-ulan dala ng low-pressure area o LPA na namataan sa Mindanao.

Ayon kay Ramos, nananatiling nasa normal na level ang tubig sa maraming ilog sa lungsod at hindi gaanong kadami ang inaanod na water hyacinth mula Liguasan Marsh maliban sa Rio Grande de Mindanao partikular sa bahagi ng Delta Bridge.

Sa kanyang pagiinspeksyon kung saan kanyang napansin ang maraming residente na naninirahan sa mga tabing ilog, agad na inirekomenda ni Ramos ang pagbibigay ng prayoridad sa paglilipat o relocation sa mga ito sa mas ligtas na lugar upang maiwasan ang sakuna.

“Sa ating assessment normal pa ang level ng tubig sa mga ilog, but people living in the river banks as well as in low-lying areas have to be relocated to safer grounds para maiwasan ang pagkalagas ng maraming buhay sa pagragasa ng tubig-baha dala ng ulan.” diin ni Ramos.

Hinikayat din ni Ramos ang pagtutulungan para sa pagtatanggal ng mga water hyacinth habang kaunti pa lamang upang maiwasan ang pahirapang paghihiwalay sa mga ito kung kumpul-kumpol na sa kapal at dami.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Cotabato City administrator Cynthia Sayadi na patuloy ang ginagawang trabaho ng pagtatanggal ng water hyacinth sa ilalim ng Delta Bridge habang patuloy na inaanod ang mga ito mula sa Liguasan March.

Pagdating sa relokasyon ng mga residenteng naninirahan sa mga tabing ilog, binigyan-diin ni Sayadi na karamihan sa kanila ay inilipat na sa relocation sites noon pang kasagsagan ng malawakang pagbaha sa lungsod nitong kalagitanaan ng nakalipas na taon.

“Matigas lang talaga ang mga ulo, inilipat sila sa relocation site at nabigyan nga ng assistance bilang panimulang makapamuhay ng maayos at ligtas pero nagsibalikan rin sila sa dati nilang tirahan kalaunan,” ani Sayadi.

Ayon kay Sayadi, pinalalakas pa ng pamahalaang lungsod ang pagsasakatuparan ng mga programa at serbisyo para sa mga maralitang pamilya kasama ang paglatag ng disaster management plan habang patuloy ang regular na pagpupulong at pakikipag-ugnayan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa mga opisyal at lider ng mga barangay sa lungsod. (pbchangco/PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines