Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news: Mga nasugatan ng paputok sa South Cotabato umabot na sa 35

KORONADAL CITY, Enero 3 (PIA) -- Umabot na sa 35 ang kaso ng mga nasugatan ng mga paputok sa South Cotabato.

Sa ulat ng surveillance unit mula Disyembre 22 hanggang kahapon, Enero 2, umabot na sa 35 ang firecracker-related injuries na kanilang namonitor mula sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa buong South Cotabato.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala na bawal ang pagpapatutok o pagpapahawak ng mga paputok sa mga bata, 16 sa mga naging biktima ng paputok ay pawang mga batang may edad na mas mababa sa sampung taong gulang.

Labingwalo sa 35 biktima ay naputukan ng ipinagbabawal na piccolo, samantalang siyam naman ang naputukan ng kwitis. Ang iba ay naputukan ng whistle bomb, triangle, five-star, pla-pla, bawang, luces, at ng boga.

Pinakamaraming biktima ng paputok ang naiulat sa lungsod ng Koronadal na umabot sa 15. Sinundan ito ng bayan ng Norala na may 10, bayan ng Tupi na mayroong 4, at Tampakan na may 2.

May tig-iisang nasugatan dahil sa firecracker sa mga bayan ng Polomolok, Lake Sebu,Surallah, at Banga. Wala namang napabalitang nasugatan sa mga bayan ng Sto. Nino, Tantangan, at T’boli.

Ani Dr. Rogelio Aturdido Jr, hepe ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng South Cotabato, maaring tumaas pa ang bilang ng biktima ng paputok hanggang sa Enero 4 kung kailan magtatapos ang kanilang monitoring ng mga firecracker-related injuries.

Samantala, nananawagan si Dr. Aturdido sa mga residente ng lalawigan na nasugatan dahil sa paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon na hindi na nagpagamot na tumungo na sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng tamang lunas at maiwasan ang mas malala pang pinsala, tulad tetanus.

Sa buong Rehiyon Dose, ang South Cotabato ang may pinakamalaking bilang ng nabiktima sng firecracker ngayong taon. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines