Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Bilang ng nabiktima ng paputok sa South Cotabato tumaas pa

KORONADAL CITY, Ene. 4 (PIA) -- Aminado ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng South Cotabato na hindi naging epektibo ang kanilang kampanya laban sa paputok nitong nakalipas na pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng 2012.

Batay kasi sa datos na nakakalap ng surveillance unit ng IPHO, kahapon, Enero 3, umaabot na sa 54 ang kanilang na-monitor na nasugatan kaugnay sa mga paputok sa buong lalawigan. Maaring mas dadami pa ito dahil maaaring may hindi pa naiiuulat na mga kaso sa kanilang tanggapan.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Dr. Salvecio Dagang, technical division chief ng IPHO, noong nakaraang taon, 36 lang ang nabiktima ng paputok.

Nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamaraming naputukan ang Koronadal City na may labinlimang kaso, bayan ng Norala na may sampu, at Surralah na may siyam.

Anim din ang nasugatan sa paputok sa Tupi samantalang lima sa bayan ng T’boli.

Biente-kwatro o halos kalahati ng mga biktima ay mga batang lima hanggang sampung taong gulang. Ang pinakamatandang naputukan ay 72 taong gulang.

Piccolo pa rin ang nangungunang sanhi ng sugat na umabot sa 27 ang biktima.

Ang South Cotabato rin ang nangunguna sa buong Soccsksargen Region sa may pinakamaraming biktima ng paputok.

Umaasa si Dr. Dagang na sa mga susunod na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, mas hihigpitan ng mga lokal na pamahalaan ng South Cotabato ang pagpapatupad ng batas laban sa paggamit ng firecrackers. Mas mainam pa na tuluyan nang ipagbabawal ang paputok.

Umaasa rin siyang mas magiging responsable ang mga magulang sa pagbabantay at pagbabawal sa kanilang mga anak na humawak o magpaputok ng firecrackers.

Dagdag pa ni Dr. Dagang, wala namang naputulan ng daliri, walang tinamaan ng ligaw na bala at wala ring namatay dahil sa paputok sa South Cotabato.

Magpapatuloy ang kanilang monitoring hanggang sa Enero 6. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines