Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: South Cotabato nakaalerto sa pagbaha at landslide na maaring idulot ng LPA

KORONADAL CITY, Ene. 4 (PIA) – Sa takot na mangyari sa South Cotabato ang kaparehong trahedya na nangyari kamakailan sa Cagayan de Oro at Iligan City, nakaalerto ngayon ang pamahalaang panlalawigan sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslide na maaring idulot ng low pressure area sa silangan ng General Santos City.

Ayon kay Isidro Janita, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), minamanmanan ngayon ang sitwasyon ng mga ilog sa upland area na maaring magdulot ng pinsala sakaling magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan.

Ipinag-utos na rin ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. ang round-the-clock monitoring sa mga ilog at tributaries ng mga malalaking ilog sa lalawigan, kabilang ang Allah River at Banga River na madaling bumabaha.

Kabilang din sa mahigpit na minamanmanan ngayon ang Luhan River malapit sa Lake Maughan sa T’boli kung saan may nagyaring pagbabara ng daloy ng tubig dulot ng landslide noong Disyembre 26.

May apat na katao na ring nagmamanman sa lebel ng tubig ng Lake Maughan upang masigurong mabibigyan ng babala ang mga residente malapit sa Allah River sakaling magkakaroon ng delikadong sitwasyon sa lawa.

Ani Janita, naipalaam na nila sa lahat ng mga barangay sa lalawigan ang kautusan na maging alerto sa lahat ng panahon lalung lalo na kung may malakas na pagbuhos ng ulan.

Batay sa ulat ng Pagasa kaninang alas 8 ng umaga, namataan ang low pressure area 240 na kilometro Silangan Timog Silangan ng General Santos City. Maari umanong magkaroon ng malawakang pag-uulan sa Southern Mindanao, kabilang ang Sarangani, General Santos at South Cotabato na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon kay Janita, mas mainam na na maging handa dahil hindi na tiyak ang resulta ang pabagu-bagong panahon. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines