Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Ikalawang batch na tulong ng S. Cotabato para sa mga biktima ni “Sendong” ihahatid bukas

KORONADAL CITY, Ene. 4 (PIA) –- Ihahatid na bukas, Enero 5, ang ikalawang bahagi ng tulong ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Northern Mindanao.

Sa pulong-balitaan kaninang umaga, sinabi ni Provincial Administrator at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Isidro Janita na sa lungsod ng Iligan nila ihahatid ang ayuda na kinabibilangan ng 450 na sako ng bigas na na-repack sa tig-limang kilo.

Dala rin nila ang isang dump truck na puno ng mga relief goods tulad ng noodles, de-lata, mga damit, tubig at iba pa na nakolekta ng provincial LGU mula sa mga donor.

Kung papayagan ng pamahalaang panglungsod ng Iligan, ayon kay Janita, ang kanilang grupo mismo ang mamamahagi ng mga tulong sa mga evacuation center. Kung hindi, ituturn-over nila ito sa LGU o sa tanggapan ng DSWD sa lugar o kung sinumang mamamahala ng relief operations doon.

Bitbit din nila ang tseke na nagkakahalaga ng P50,000 na tulong ng pamahalaang bayan ng Tantangan at mahigit P5,000 na bigay naman ng mga empleyado ng Tupi LGU.

Kasama rin ng grupo na tutungo sa Iligan ang mga social workers mula sa Provincial Social Welfare at Development Office at mga Municipal at City Social Welfare and Development Office. Tutulong ang mga ito sa isinasagawang stress debriefing sa mga survivor ng trahedya.

Ang 450 na sako ng bigas ay kalahati ng ipinangakong tulong ng South Cotabato sa Cagayan de Oro City at Iligan City. Nauna nang inihatid ang 450 na sako sa Cagayan de Oro noong Disyembre. Bahagi ito ng P1.5 milyon na ayuda ng South Cotabato sa mga biktima ng bagyong Sendong. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines