Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: PDRRMC-South Cotabato lalong pinalakas ang sistema sa disaster monitoring at response

KORONADAL CITY, Ene. 4 (PIA) -– Patuloy ang ginagawang monitoring ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council (PDRRMC) ng South Cotabato sa gitna ng namataang Low Pressure Area base sa forecast Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa sakop ng South Cotabato.

Binalaan na rin ng konseho ang mga lokal na pamahalaan na maging handa sa lahat ng oras dahil sa inaasahang paparating na ulan ayon sa PAGASA.

Ayon kay PDRRMC chief Isidro Janita, kailangan umanong tuluy-tuloy ang pagbabantay ng PDRRMC at ng mga bayang sakop nito at ng Lungsod ng Koronadal upang maiwasan ang malaking pinsala na maaaring maidulot ng malakas na pag-ulan sa mga darating na araw.

Inatasan na rin umano ng PDRRMC, ayon kay Janita ang lahat ng mga pamahalaang lokal na magsagawa ng mga hakbang at paghahanda sakaling dumating ang malakas na ulan.

Sinabi rin ni Janita na regular din ang kanilang pagbibigay ng weather advisory sa mga lokal na pamahalaan upang sa lahat ng oras ay kanilang alam kung ano ang nangyayari sa kanilang palibot.

Base sa huling advisory ng PAGASA, makakaranas ng makulimlim na panahon ang ilang bahagi ng Mindanao na may pakalat-kalat na pag-ulan. Inaasahan din ang matinding pag-ulan na maaari umanong sanhi ng flashfloods at landslides, ayon sa taya ng PAGASA. (ac agad PIA12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines