Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: Pamahalaang lungsod ng Cotabato prayoridad ang relokasyon ng mga informal settler

COTABATO CITY, Enero 5 (PIA) -- Nananatili at laging bukas ang pamahalaang lungsod ng Cotabato sa rekomendasyon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council NDRRMC) chief Undersecretary Benito Ramos para sa relokasyon ng mga pamilyang naninirahan sa gilid ng mga malalaking ilog at estero na nakapalibot sa lungsod.

Personal na ipinaabot ni Ramos ang rekomendasyon kasunod ng isinagawang inspeksiyon sa mga tulay, ilog at estero sa lungsod ng Cotabato sa harap ng trahedya ng malawakang pagbaha sa Cagayan de Oro at Iligan bunsod ng mga pag-ulan dala ng bagyong Sendong.

Ayon kay Cotabato City Mayor Japal Guiani, Jr., sa ngayon walang kakayahang pinansyal ang local na pamahalaan para sa relokasyon ng libo-libong informal settler na naninirahan sa mga tabing ilog at estero.

Sinabi ng alkalde, sa kabuuang 37 barangay ng lungsod, 20 dito ang apektado ng pagbaha, at kinakailangan ng lungsod ang tulong ng pamahalaang nasyunal para sa kakailanganin pondo para sa relokasyon ng mahigit sa 10,000 informal settler.

Noong kasagsagan ng mga pagbaha noong Hunyo ng nakalipas na taon, ni-relocate ng pamahalaang lokal sa tulong ni Secretary Corazon “Dinky” Soliman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 120 pamilyang informal settler ng Punol Island, pahayag ni Guiani.

Sa isang ligtas na relocation site sa Malagapas, barangay Rosary Heights XI inilipat ang mahigit 120 pamilya na tumanggap ng P5,000 mula sa pamahalaang lungsod at P14,500 na ipinagkaloob ng DSWD kada pamilya pero karamihan ay ibinenta ang kanilang bahay at nagsibalikan sa nasabing isla, ayon kay Guiani.

Batid ang matinding panganib ng biglaang pagragasa ng tubig-baha, ayon sa opisyal, patuloy ang ginagawang dredging ng mga ilog at pagpapalakas sa adbokasiya ng Solid Waste Management program.

“Tuloy-tuloy ang ginagawang paghuhukay sa mga ilog, paglilinis ng mga kanal at estero at regular na dialogue sa ating mga barangay para sa segregation at tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara sa daluyan ng tubig.”

May nakalatag na disaster management plan at kahandaan at 24/7 na monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) katuwang ang lahat ng opisyal at lider ng mga barangay sa lungsod, ayon kay Mayor Guiani.

Muling nananawagan ang alkalde sa mga mamamayan ng lungsod na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura kasabay ang paalalang maging alerto at handa at laging makinig sa balita kaugnay ng ulat-panahon.(pbchangco/PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines