Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog news: MGB muling nagpapaalala sa mga LGU, publiko na pag-aralan ang geohazard map

KORONADAL CITY, Ene. 6 (PIA) – Maraming buhay ang maililigtas kung mapapag-aralan ng maraming mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan at publiko ang geohazard map ng kanilang lugar.

Kamakailan, pina-iigting muli ng Mines and Geosciences Bureau 12 (MGB-12) ang kanilang kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa pagkilala sa mga lugar na maaring daanan ng kalamidad.

Ayon kay MGB 12 Regional Director Constancio Paye Jr. lahat ng mga barangay sa buong Soccsksargen Region na kinilalang flood-prone at landslide –prone ay muli nilang bibigyan ng kopya ng mga geohazard map.

Ang geohazard map ay pangunahing kagamitan sa pagpaplano laban sa kalamidad at paghahanda laban sa maaring sakunang maidulot ng pagbaha, pagguho ng lupa at tsunami.

Kung alam ng mga lokal na pamahalaan at kanilang mga residente ang mga tinutukoy na delikadong lugar mas madaling maiiwas sa sakuna ang mga komunidad, ayon sa director.

Paalala rin ni Paye, dapat maging mapagmatyag at alerto ang lahat lalung lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog at sapa, mga bulubunduking lugar at mga baybaying dagat.

Inirerekomenda rin nila ang magdamagang pagmamatyag o monitoring sa mga lugar na madaling bahain o gumuho lalung lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Sa mga interesado, maaari ring tunghayan ang geohazard map ng kanilang bayan o lalawigan sa website ng MGB 12 na www.mgb12.net.

Sa ngayon, ayon kay Paye, pinagpapatuloy nila ang pagbuo ng mas malalaking geohazard map ng mga bayan sa buong rehiyon. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines