Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Problema ng mga guro sa ARMM, tinutukan ni OIC Gov Hataman

KORONADAL CITY, Ene. 8 (PIA) -- Nais ni Autonomous Region in Muslim Mindanao OIC Gov. Mujiv Hataman na mabigyan ng solusyon ang mga problema ng mga guro sa ARMM.

Kamakailan, pinulong ni Hataman ang mga Department of Education (DepEd) officials, schools superintendents at mga guro sa iba't ibang bahagi ng ARMM sa isang regional consultation sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

Layon ng konsultasyon na maipaabot ng mga guro ang kanilang mga hinaing at mabigyan ito ng lunas.

Kabilang sa tinalakay na mga isyu ang palagiang pagkaantala ng kanilang suweldo at mga benepisyo, di tiyak na proseso sa hiring, selection at promotion, estado ng kanilang remittance sa GSIS at iba pa.

Nangako si Hataman na sosolusyunan ng kanyang administrasyon ang mga idinulog na problema, kabilang na ang mga isyu ng ghost teachers at umano'y malawakang korapsyon sa DepEd ARMM.

Kasama ni Hataman na humarap sa mga guro at opisyal ang mga kinatawan ng GSIS, Civil Service Commission, Landbank Cotabato Branch.

Inamin ng representante ng GSIS na hanggang ngayon nananatili pa rin ang suliranin sa hindi regular na remittance sa ARMM.

Sa Pebrero, inaasahang sa ATM card na ipapasok ang sweldo at mga bonus ng mga guro sa ARMM. Ayon kay Hataman, isa na ito sa mga hakbang na malilinis na ang hanay ng mga guro, maiiwasan ang iligal na pagkaltas sa kanilang kinikita at mahihinto pagkabalam ng kanilang sahod. (DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines