Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog news: Ika-24 na round ng peace negotiation sa pagitan ng pamahalaan at MILF magsisimula ngayon

KORONADAL CITY, Ene. 9 (PIA) – Sa pagsisimula ng ika-24th Round ng Peace Negotiations ngayong araw sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) umaasa si Presidential Adviser on the Peace Process secretary Teresita Deles na matatapos na rin ang daang-taong kaguluhan sa Mindanao.

Sa isang statement, sinabi ni Deles na patuloy siyang umaasa na kaagad makapagbuo na ang mga miyembro ng dalawang panel ng kanilang framework ng political settlement.

Ayon pa kay Deles, kailangan kaagad itong matugunan upang tuluyan ng makamit ng taga-Mindanao ang kapayapaang kanilang minimithi at mawakasan ang ilang siglo ng karahasan sa rehiyon.

Umaasa rin si Deles na ngayong taong 2012 ay magiging taon para sa kapayapaan sa kabila ng mga hamon na haharapin ng dalawang panel sa negotiating table, at kailangan umanong maging handa ang mga ito sa pagtugon sa anumang hamon na maaaring hahadlang sa pagsulong ng kapayapaan para sa Mindanao.

Magtatapos sa araw ng Miyerkules ang 24th round ng negosasyon na sinimulan ngayong araw sa Kuala Lumpur Malaysia.

Matatandaang nauna ng ipinahayag ng Pangulong Benigno Aquino III na mataas ang kanyang hangad na magkaroon na nga ng kasunduan ang dalawang panig at agad na maresolba ang problema sa Mindanao.

Mula noong taong 1997 hanggang 2010, mahigit 14 na kasunduan na ang nilagdaan ng dalawang panig subalit bigo ang mga ito na makapagbuo ng isang pinal na kasunduan. (ac agad PIA12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines