Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 16 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog news:Pagtaas ng lebel ng tubig ng Allah River hindi magreresulta sa flashflood – Gov. Pingoy

KORONADAL CITY, Ene 8 (PIA) -- Walang katotohanan ang napapabalitang magreresulta sa flashflood ang kasalukuyang pagtaas ng lebel ng tubig sa Allah River, ayon kay South Cotabato Gov. Arthur Y. Pingoy Jr.

Wala rin aniyang katotohanan ang ulat na may nakaambang sakuna dulot ng muling pagguho ng isang bahagi ng Lake Maughan.

Nitong mga nakaraang araw, ilang residente sa mga bayan at barangay na madadaanan ng Allah River ang naalarma dahil sa kumakalat na mga usap-usapang may mangyayaring flashflood sa kanilang lugar dahil may pagtaas ng tubig sa Lake Maughan dahil umano sa landslide. Lumakas ang mga haka-haka ng may naobserbahang pagtaas ng lebel ng tubig ng ilog.

Paliwanag ni Gov. Pingoy ang nararanasang pagtaas ng lebel ng Allah River ay resulta ng pag-uulan sa bahagi ng T'boli.

Inamin din nito na totoong may nangyaring pagguho ng lupa sa lugar, subalit ito ay hindi sa mismong lawa. Ani Gov Pingoy ang nangyaring landslide ay nasa Luhan River na anim na kilometro na ang layo mula sa bunganga ng Lake Maughan.

Nitong nakaraang linggo, nagpadala na ang pamahalaang panlalawigan ng mga tauhan sa Luhan River upang alisin ang mga batong bumara sa daloy ng ilog.

Hindi ito dapat ikaalarma, ayon sa gobernador, dahil maliit lang ito na problema.

Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng mga bayan T'boli, Surallah at Sto. Nino na maaring bahain sakaling magkakaroon ng pagbaha.

Gayunman patuloy pa rin ang panawagan ni Gov. Pingoy sa mga mamamayan na nakatira malapit sa Allah River at maging sa mga iba pang lugar na madaling bahain at delikado sa pagguho na maging alerto lang palagi upang maiwasan ang trahedya.

Mas mainam na aniyang preparado kaysa nagpapabaya. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines