Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Pagtutulungan ng mga LGU, pribadong sektor hiniling ni Sec Robredo

KORONADAL CITY, Ene. 11 (PIA) -- Hiniling ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang ugnayan sa isa’t isa pati na rin ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor.

Sa kanyang mensahe sa 72nd Foundation Anniversary at 12th Hinugyaw Festival ng Koronadal City kahapon, sinabi ni Sec. Robredo na isinusulong ng DILG ang konsepto ng inter-LGU partnership kung saan tutulungan ng mayayaman na mga lokal na pamahalaan ang mga mahihirap na LGU.

Kabilang din sa kanilang isinusulong ang pagtutulungan at kooperasyon ng mga magkalapit na mga bayan at lungsod.

Halimbawa, ayon sa kalihim, maaaring magkasundo ang magkalapit na mga LGU na mag-isa sa pagbili ng fire truck o mga equipment para sa pagsasaayos ng kanilang mga kalsada.

Mainam din umano ito para sa agarang pagtugon sa mga sakuna pati na sa pamamahala ng basura at iba pang mga suliranin na parehong hinaharap ng magkaugnay na mga LGU.

Samantala, binigyang-diin din ni Robredo ang pagbubukas ng mga lokal na pamahalaan sa pribadong sektor at sa mga civil society organization.

Aniya, hindi lang sa pagbabantay sa maayos na pamamalakad ng gobyerno maasahan ang pribadong sektor kundi pati na rin sa pagsulong sa pagiging lehitimo ng lokal na pamahalaan at pagbubukas nito sa mga mamamayan.

Mahalaga aniya na palawakin ang partisipasyon ng mga nasa pribadong sektor, mga civil society organizations at mga nongovernment units dahil kinakatawan nila ang mga manggagawa, mangingisda, magsasaka, mga katutubo, at iba pang mamamayan na siya ring pinagsisilbihan ng gobyerno.

Kabilang sa isinusulong ng DILG, ayon kay Sec. Robredo, ay ang institusyunalisasyon ng NGO at LGU sa mga probinsya, lungsod, bayan at barangay.

Binasa ni DILG Assistant Secretary for Mindanao Affairs and Special Concerns Nariman Ambolodto ang mensahe ni Secretary Robredo dahil hindi ito nakarating dahil kailangan niyang pamamahalaan ang napapabalitang banta ng terorismo sa Metro Manila kasabay ng Piyesta ng Black Nazarene. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines