Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Papel ng LGU sa pagbabago, lubhang mahalaga -- Secretary Robredo

KORONADAL CITY, Ene. 11 (PIA) -- Ang mga lokal na pamahalaan ang totoong instrumento ng pagbabago, ayon sa mensahe ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa pagdiriwang ng 72nd Foundation Anniversary at 12th Hinugyaw Festival ng Koronadal City kahapon.

Bagama’t hindi nakarating si Sec. Robredo sa pagdiriwang, inatasan naman nito si Assistant Secretary for Muslim Affairs and Special Concerns Nariman Ambolodto na basahin ang kanyang mensahe sa mga residente ng lungsod.

Aniya, mas tinututukan ngayon ng DILG ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong makamit ang tunay na kapayapaan at katiwasayan at kaunlaran.

Kaugnay rito, ninanais ng departamento na mabigyan ng mas malawak na kalayaan at kapangyarihan ang mga LGU. Ito, ayon sa kalihim, ay dahil ang mga LGU ang mas nakakaalam sa mga pangangailangan ng kani-kanilang mamamayan. Sila rin ang nakakaalam kung anu-ano ang mga programa at mga proyekto na mas mapapakinabangan ng kanilang mga residente.

Mas lalo umano itong kailangan ngayong ipinapakita ng publiko na uhaw sila sa reporma na ikabubuti ng kanilang pamumuhay at ikasisiguro ng kanilang kumunidad.

Binigyang-diin ni Robredo na hindi ito kayang pasanin ng pamahalaang nasyunal na nag-iisa kung kaya’t kailangan nila ang tulong ng mga LGU.

Mahalaga aniya ang papel ng mga probinsiya, mga munispalidad at pati na ng kaliit-liitang mga barangay sa pagsasagawa ng mga programa at mga proyekto para sa mga mamamayan sa pagtahak sa matuwid na landas.

Apela ni Secretary Robredo sa mga LGU, tulungan ang pamahalaang nasyunal sa pagpapatupad ng matitibay na mga pro-poor projects at tutulong sa mga mahihirap na pamayanan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines