Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog news:Mga opisyal ng Maguindanao, Cotabato City humiling ng hustisya para kay Vice Mayor Sema

COTABATO CITY, Ene. 13 (PIA) -– Ilang matataas na opisyal ng Maguindanao at Cotabato City sa pangunguna ni Governor Esmail Mangudadatu ang humiling sa mg otoridad na bilisan ang pagiimbestiga sa pananambang kamakalawa kay City Vice Mayor Datu Muslimin G. Sema.

Kasama ring nanawagan ng mabilisang paglutas sa kaso sina Maguindanao Vice Governor Datu Dustin Mastura at City Mayor Japal Guiani, Jr.

Ayon sa mga opisyal kailangang bilisan ang imbestigasyon upang maagang maresolba ang kaso at maiwasan ang samot-saring reaksyon na lalong nagbibigay ng kumplikasyon sa nasabing kaso.

Hiniling din ni Mangudadatu sa mga mamamayan ng Maguindanao na magdasal para sa agarang paggaling ni Sema na kung saan ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa Davao City.

Ito naman ang sinabi ni Maguindanao Vice Governor Mastura hinggil sa pagkakilala niya kay Sema” “Si Datu Muslimin G. Sema na siya ring MNLF chairman ay isang simpleng tao at maituturing na kaibigan ng lahat.”

Hiniling din ni Mastura sa binuong Task Force Sema kahapon na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa pag-ambush kay Sema na gawin ang lahat para matukoy sa lalong madaling panahon ang tunay na salarin o mga salarin upang malutas na ang kaso.

Sa panig naman ni City Mayor Guiani, hiniling nito sa mga mamamayan na iwasan ang pagkakaroon o pagbibitiw ng mga salitang puro haka-haka lamang at walang sapat na basihan.

“Hinihiling ko sa lahat na huwag pangunahan ang magiging resulta ng kasalukuyang ginagawang pagsisiyasat ng ating mga otoridad at hintayin lamang ang kalalabasan ng Task Force Sema,” pahayag ni Guiani. (Moner C. Dayaan-PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines