Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog news: Labis sa produksyon ng palay sa S. Cotabato umabot ng 104.9 MT

KORONADAL CITY, Ene. 13 (PIA) -- Umabot ng 104,926 metriko tonelada ang sobrang produksyon ng palay sa lalawigan ng South Cotabato nitong nakalipas na taon, ayon sa datos na inilabas ng Office of the Provincial Agriculturist.

Ayon kay Provincial Agriculturist Reynaldo, sa kauna-unahang pagkakakataon sa loob ng sampung taon, ngayon lang nangyari na walang naranasang pagkukulang ang produksyon ng palay sa lalawigan.

Maging sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo kung kailan karaniwan ang kakulangan sa suplay ng palay, nakapagtala pa rin ng sobrang ani sa palay ang lalawigan na umabot ng 5,521 metriko tonelada.

Resulta aniya ito sa paborableng klima sa buong taon na sinabayan pa ng ibinibigay na tulong ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Agriculture at ayuda mula sa mga lokal na pamahalaan.

Sa kabuuan umabot sa 222,502 metriko tonelada ang produksyon sa palay ng South Cotabato sa taong 2011.

Batay sa estimated monthly demand na 9,798 MT, umabot lang sa 117,576 MT ang kinailangang konsumo ng lokal na merkado nitong nakaraang taon.

Iniulat din ni Legaste na malamang na magpapatuloy ang magandang ani ng palay sa unang tatlong buwan ng 2012 dahil umabot sa 23,000 na ektarya ang nataniman noong Oktubre, Nobyembre at Disyembre ng nakalipas na taon at nagpapatuloy ang pabiranleng panahon.

Inaasahan ding mas maraming magsasaka pa ang makakapagtanim nitong mga unang buwan ng taon.

Makakatulong aniya ito na mabawasan ang kakulangan sa suplay ng palay dahil sa pagsasara ng Ala River Irrigation System simula sa Mayo dahil sa gagawing pagkukumpuni ng dalawang dam nito na maaaring abutin ng apat na buwan. ( DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines