Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

Tagalog news: Malawakang pagkumpuni ng mga irigasyon sa S. Cotabato at Gensan nakatakda ngayong taon

KORONADAL CITY, Enero 14 (PIA) -- Aarangkada ngayong taon ang pagkukumpuni sa mga irigasyon sa South Cotabato at General Santos City, ayon sa datos na inilabas ng tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA) sa South Cotabato.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni NIA - South Cotabato irrigation management supervisor Engr. Ramon Bugacia na kung sa mga nagdaang taon umaabot lang sa P30 milyon hanggang P40 milyon ang kanilang budget sa irrigation development program, ngayong 2012 aabot sa P472.3 milyon ang halaga ng mga proyektong kailangan nilang ipatupad.

Malaking bahagi nito ay nakalaan sa pagkukumpuni sa mga irrigation system at mga dam sa dalawang distrito ng South Cotabato at bahagi ng Gensan na naglalayong maging episyente ang programang patubig ng pamahalaan at makamit ang layuning rice self-sufficiency sa bansa.

Kabilang sa nakatakdang ipatupad ang siyam na rehabilitation-restoration at extension irrigation project sa Gensan na nagkakahalaga ng P110.7 milyon.

Sa South Cotabato aabot sa P322.7 milyon ang nakalaang pondo para sa 24 na kaparehong proyekto.

Pinakamalaki sa mga proyekto ang pagkukumpuni sa Ala River Irrigation System na may pondong P138.2 milyon, maliban pa ito sa P8.6 milyon na rehabilitation project sa bahagi ng Ala RIS sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Aminado naman si Bugacia na may mga magsasakang maaapektuhan sa gagawing pagkukumpuni, lalo na sa Ala RIS na kailangang isara ng aabot sa apat hanggang limang buwan. Subalit binigyang-diin nito na pagkatapos ng proyekto mas malaking pakinabang naman ang aanihin ng mga magsasaka.

May mga ayuda namang inihahanda ang NIA, Department of Agriculture at Nation Food Authority para sa mga maaapektuhang magsasaka. (DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines