Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Tagalog news: Kakayahan ng mga LGU sa risk management kailangan palakasin -- MinDA

KORONADAL CITY, Ene. 15 (PIA) -- Kailangang patatagin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa Mindanao sa paghahahanda at pagtugon sa mga kalamidad upang maiwasan ang mga sakuna tulad ng nangyari sa Northern Mindanao.

Kamakailan pinangunahan ng Mindanao Development Authority( MinDA) ang isang talakayan hinggil sa antas ng kapasidad ng mga LGU sa pag-interpret sa mga impormasyon, pagtaya sa mga kailangan, at kahandaan laban sa mga sakuna at pamamahala sa panganib na maaring idulot nito.

Isang problemang kinakaharap ng mga lokal na pamahalaan, ayon kay MinDA chair Luwalhati Antonino ay ang katotohanang marami sa mga lokal na opisyal ay walang alam sa kahulugan ng mga weather data at mga warning tulad ng ipinapalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ani Antonino, lubhang kailangan ang mas malalim na kaalaman at mas malawak na kampanya sa mga LGU hinggil sa interpretasyon ng mga storm signals at kaparehong impormasyon pati na rin kung anu-ano ang dapat paghandaan sa posibleng darating na kalamidad.

Ang naturang talakayan ay bahagi ng isinagawang coordination meeting sa ilalim ng "MindaNOW!Nurturing Our Waters" program ng MinDA na naglalayong patibayin ang kakayahan ng mga LGU sa pangangalaga sa kapaligiran.

Kabilang sa mga ahensiyang kasama sa pulong ang Office of Civil Defense, Department of Public Works and Highways, Department if Environment and Natural Resources, Department of Agriculture, Department of Science and Technology, at Pagasa. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines