Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog news: NFA inaming mahihirapan sa panukalang 90-day buffer stock habang inaayos ang Ala RIS

KORONADAL CITY, Ene. 16 (PIA) -- Inamin ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa South Cotabato na mahihirapan silang abutin ang panukalang siyamnapung (90) araw na buffer stock sa palay upang mapunan ang inaasahang kakulangan sa produksyon ng palay sa lalawigan sa loob ng isang buong cropping season.

Simula sa Mayo 1 nakatakda kasing isara ang dalawang dam ng Ala River Irrigation System (Ala RIS) na sasailalim sa rehabilitasyon sa layong mapanumbalik ang kakayahan bilang pangunahing patubig ng sakahan sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Kabilang sa mga panukala ng Office of the Provincial Agriculturist ang hilingin sa NFA-South Cotabato ang pagkakaroon ng 90-day buffer stock.

Ayon kay Roger Amatoy, provincial economist ng NFA-South Cotabato sa isang pulong balitaan kamakailan, karaniwan ang 30-day buffer stock sa mga regional NFA subalit sa South Cotabato na tinaguriang isang “surplus area,” dalawang araw lang ang kanilang required buffer stock sa palay.

Hindi pa aniya naranasan sa South Cotabato na magkaroon ng buffer stock para sa tatlong buwan.

Sanay din umano ang mga magsasaka sa lalawigan na ipagbili ang kanilang ani sa mga trader kung kanino may pagkakautang ang karamihan sa kanila.

Ginawang halimbawa ni Amatoy ang kanilang karanasan nitong nakalipas na taon kung kailan 14,700 na sako ng palay lang ang kanilang nakalap na palay mula sa mga magsasaka na masyadong mababa kung ikukumpara sa target nilang 168,000 bags.

Nauna na ring kinumpirma ni NFA-South Cotabato Assistant Manager Angelina Lucena na kabilang ang South Cotabato sa mga lalawigang walang maasahang imported rice sa unang anim na buwan ng taon.

Sa kabilang dako, inihayag naman ni Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste na makikiusap sila sa mga magsasaka na ipunin muna ang kanilang aning palay bilang paghahanda sa mga buwan na mababawasan ang ani sa lalawigan sa pagsasara ng Ala River Irrigation System.

Sa South Cotabato, maapektuhan sa pagsasara ng dalawang dam ng Ala RIS ang mga bayan ng Surallah, Banga, Sto. Niño, at Norala.

Sa taya ng OPAG, aabot sa 28,000 metric tons ang mababawas sa produksyon ng palay sa South Cotabato na katumbas ng halos tatlong buwang konsumo ng mga residente ng lalawigan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines