Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog news: Sektor ng agrikultura pinaghahandaan ang pagsara ng Ala RIS

KORONADAL CITY, Ene. 16 (PIA) -- Pinagsisikipan ngayon ng sektor ng agrikultura ang maaring epekto ng pagsasara ng Ala River Irrigation System (RIS) simula sa Mayo na maaring tatagal hanggang Setyembre o Oktubre ng taong kasalukuyan.

Ayon kay South Cotabato Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste pupulungunin nila kasama ang National Irrigation Administration at Department of Agriculture (DA) ang mga irrigators association na maaaring mawalan ng suplay na tubig sa loob ng isang cropping season.

Ito ay upang ipaliwanag kung bakit kailangang isara ang dalawang dam ng Ala RIS habang isinasagawa ang rehabilitation project at ilahad sa kanila ang mga ilang alternatibong mapagkakakitaan habang hindi sila makakapagtanim ng palay.

Paliwanag ni Legaste, kabilang sa kanilang kinokonsiderang hakbang ang pakikipag-ugnayan sa mga hybrid corn companies hinggil sa tulong na maari nilang maibigay sa mga irrigators association.

Hihikayatin din nila ang mga apektadong magsasaka na magtanim ng alternatibong pananim tulad ng mais, watermelon, muskmelon, okra, upo, patola, kalabasa, at iba pa.

Siniguro ni Legaste na subok na ang mga naturang mga pananim na makapagbigay ng pagkakakitaan sa mga magsasaka.

Hinihiling din nila sa pamahalaang panlalawigan ang seed subsidy sa may dalawang libong ektarya. Kaparehong kahilingan din ang ipinaabot nila sa DA-12 na agad namang nangakong magbibigay ito ng binhi ng mais para sa karagdagang dalawang libong ektarya.

Hihingin din nila sa National Food Authority mag-imbak ng palay na aabot sa 90 araw.

Sa impormasyong inilabas ng OPAG maapektuhan ng pagsasara ng Ala RIS ang bahagi ng Surallah, Sto. Nino, Banga, at Norala.

Tinatayang aabot sa siyam na libong ektarya ang maapektuhan ng shutdown, dalawang libo rito ay maari pang makapagtanim ng palay gamit ang ibang pagkunan ng patubig.

Sa taya pa rin ng OPAG, aabot sa 23,000 metriko tonelada ang mawawala sa produksyon ng palay sa South Cotabato na katumbas ng tatlong buwan na konsumo ng mga mamamayan ng lalawigan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines