Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news:Ala River Irrigation System isasara sa Mayo

KORONADAL CITY, Ene. 17 (PIA) -- Ipinaalam ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) at ng National Irrigation Administration-South Cotabato na nakatakdang isara ang Ala River Irrigation System (RIS) sa Mayo 1 upang bigyang daan ang gagawing pagkumpuni nito.

Tinatayang hindi makapagbibigay ng suplay na tubig ang Ala RIS, pinakamalaking irrigation system sa South Cotabato at Sultan Kudarat, hanggang Setyembre o Oktubre ng kasalukuyang taon.

Nangangahulugan ito, ayon kay South Cotabato Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste, na aabot sa tinatayang 12,000 na ektaryang palayan sa apat na bayan sa South Cotabato at dalawang bayan sa Sultan Kudarat ang mawawalan ng suplay ng tubig.

Sa South Cotabato kabilang sa mababawasan ng suplay na tubig ang bahagi ng mga bayan ng Surallah, Banga, Sto. Nino, at Norala, samantalang ang mga bayan ng Bagumbayan at Isulan naman ang maaapektuhan sa Sultan Kudarat.

Ipinaliwanag naman ni Engr. Ramon Bugacia , irrigation management supervisor ng NIA-South Cotabato, na kailangan na ihinto ang operasyon ng dalawang dam ng Ala RIS na nasa Colonggulo, Surallah at Bai Sirafinang, Bagumbayan dahil mismong ang mga dam at mga main canals ng mga dam ang kailangang kumpunihin upang mapanumbalik ang kakayahan ng irrigation system at maging mas epektibo ito sa pagsuplay ng patubig.

Kabilang sa mga kailangan gawin ay ang pagpapalakas ng proteksyon ng mga dam, pagkumpuni sa mechanical system na nagsasara at nagbubukas ng mga gate ng dam, pag-aayos sa lining ng mga main canal, at pagpapatayo ng karagdagang istraktura na magpapalawak sa serbisyo ng irigasyon.

Inihayag nito na naglaan ang pamahalaang nasyunal ng P138.2 milyon para sa pagkumpuni ng Ala RIS. Maliban dito, may karagdagang P8.6 milyon pa ang nakalaan para naman sa rehabilitasyon ng bahagi ng naturang RIS sa Isulan.

Nananawagan naman si Engr. Bugacia sa mga maapektuhan na magsasaka na sa naunang taya ay aabot ng mahigit walong libong pamilya na magsakripisyo ng ilang buwan dahil sila din naman ang makikinabang kung maayos nang makapagbigay ng suplay na tubig ang Ala RIS. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines