Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan ng N. Cotabato namigay ng 6 na multicab, 12 na motorsiklo

KORONADAL CITY, Ene. 17 (PIA) -- Anim na multicab at labindalawang motorsiklo ang kamakailan lang ang ibinahagi ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato sa mga barangay, kapulisan at ilang tanggapan.

Sa isang turn over ceremony nitong nakalipas na linggo, ibinigay ni Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang tatlong mga multicab sa mga pamahalaang barangay ng Kadingilan sa Pigcawayan, Barangay Poblacion sa Libungan at Barangay Simbuhay sa Kabacan.

Ito umano ay alinsunod sa polisiya ng pamahalaang panlalawigan na one barangay, one project na naglalayong mabigyan ng tig-iisang multicab ang bawat barangay sa buong lalawigan lalung lalo na ang nasa mga liblib na bahagi upang agad matugunan ang pangangailangang medikal ng kanilang mga residente. Kabilang dito ang agarang paghahatid ng mga pasyente sa pinakamalapit na rural health center o pagamutan.

Ang tatlo pang multicab ay ibinigay naman sa fisheries section ng Office of the Provincial Agriculturist, Civil Security Unit ng lalawigan, at sa Cotabato Task Force na magagamit naman sa patutupad ng kanilang mga tungkulin.

Samantala, ang labindalawang motorsiklo ay ibinigay naman ni Gov. Taliño-Mendoza sa Provincial Police Office sa pamamagitan ni provincial director P/SSupt Cornelio Salinas. Layon nito ang mas mapaigting ang ‘police visibility’ sa mga highway ng North Cotabato.

Kasabay ng turn over ceremony, inihayag din ni Gov. Taliño-Mendoza na may ibinigay na pondong P15 milyon ang partylist na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na pandagdag sa P10 milyong pondo para sa multicab project ng pamahalaang panlalawigan.

Mangangahulugan ito, ayon sa gobernadora, ng karagdagang 75 multicab na maaring ibigay sa iba pang mga barangay sa buong North Cotabato.

Sa kaparehong pagkakataon, nagpasalamat si Gov. Taliño-Mendoza sa mga katuwang ng pamahalaang panlalawigan kabilang na ang mga kawani ng LGU na tumulong para matiyak ang tamang pagkakagastusan ng pondo ng pamahalaan at sa pagtulong sa pagtitipid na dahilan kung bakit may nakalap silang malaking pondo para sa naturang proyekto. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines