Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Pagpapalago ng mga MSME ipagpapatuloy ng DOST 12

KORONADAL CITY, Ene. 17 (PIA) -- Aasahan ng mga micro, small and medium enterprises (MSME) sa Rehiyon 12 ang patuloy ng paglago ngayon 2012, ayon sa Department of Science and Technology 12 (DOST-12)

Ito ay matapos tiniyak ni DOST-12 Regional Director Zenaida P. Laidan ang patuloy na pagpapatupad nila ng mga programang nakatuon sa pagpapalago ng mga lokal na teknolohiya na susulong sa industriya ng maliliit na negosyo.

Sa isinagawang strategic planning workshop ng DOST-12 noong unang linggo ng taon, hinikayat ni Dir. Laidan ang mga tauhan na abutin ang kanilang mga layunin sa kanilang policy direction kaugnay sa SIGE platform o Sustainability, Innovation, Good Governance and Excellence platform.

Kabilang sa mga tututukan ng ahensiya ang mas pagpapalakas ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP na tutulong sa mga MSME na gumamit ng angkop na teknolohiya sa kanilang mga negosyo.

Maasahan ng mga MSME ang patuloy na tulong sa technology transfer at commercialization at iba pang serbisyo tulad ng testing and calibration, product packaging at labeling, pagsasanay at gabay mula sa mga eksperto.

Prayoridad ng DOST ang mga MSME na may kinalaman sa food processing, furniture, fashion, gifts, decors and handicrafts, marine and aquatic resources, horticulture tulad ng cutflowers, mga prutas at high value crops) metals and engineering, halal, at information, communication technology (ICT).

Palalawakin din ng DOST 12 ang kanilang library at information services, pati ang paraan upang madali silang maabot ng mamamayan sa tri-media at sa web at ang pagsasagawa ng mga S&T fairs at exhibits kung saan maaring ipakilala ang mga lokal na produkto.

Mas patitibayin din ang ugnayan ng pampubliko at pribading sektor para sa patuloy na pagpapalago ng mga micro, small and medium enterprises, ayon kay Dr. Laidan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines