Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Tacurong City Medical and Dental Center binuksan

KORONADAL CITY, Jan 17 (PIA) -- Pormal nang ipinasa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamahalaang panglungsod ng Tacurong ang pamamahala ng katatapos lang na Tacurong City Medical and Dental Center (2nd Phase).

Sa ginanap na turnover ceremony noong Enero 12, mismong si DPWH District Engineer Alpidio Birog ang nag turnover ng bagong gusali sa mga opisyal ng local government unit sa pangunguna ni Mayor Lina Montilla.

Ang Second Phase ng Medical and Dental Center ay naitayo mula sa P5 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) na ibinigay ni Sen. Antonio Trillanes para sa lungsod ng Tacurong.

Bagamat hindi nakarating si Senador Trillanes sa turnover ceremony noong nakaraang linggo, dumating naman ang mga magulang ng kanyang maybahay na sina Mr. and Mrs. Ben Orejana na siyang kumatawan sa kanya. Ang mga magulang ng maybahay ni Senador Trillanes ay residente ng General Santos City.

Sa mensahe ni Senador Trillanes na binasa ni Ginang Esther Orejana, ang limang milyong pisong pondo na ipinagkaloob niya sa Tacurong ay isa umano sa kanyang mga programa na mabigyan ang mga mamamayan ng magandang serbisyong-pangkalusugan.

Samantala, sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Mayor Montilla ang senador dahil ang gusali ang magiging bagong sentro ng health care sa lungsod.

“Malaki ang utang na loob ng Tacurong sa butihing senador dahil sa napakalaking tulong na ibinigay niya mula sa kanyang PDAF,” ayon sa mayor.

Sinabi naman ni Konsehal Silvestre Llanto, pinuno ng Liga ng mga Baranggay ng Tacurong at chapter president ng Samahang Magdalo sa lungsod, napatunayan nila ang commitment ni Senador Trillanes dahil sa kanilang pagbisita at pakikipag-usap sa Senador noon, ipinangako nito ang pagbibigay ng pondo sa Tacurong.

Samantala, umaasa naman ang pamahalaang panglungsod na magbibigay pa ng karagdagang pondo ang senador para sa pagpapatayo ng ikalawang palapag ng naturang gusali. (DEDoguiles/PIA 12/RVillaraiz/LGUTacurong)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines