Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: ARMM OIC-Governor Hataman nagpatawag ng consultative meeting

COTABATO CITY, Maguindanao, Enero 18 (PIA) -- Nagpatawag si Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) OIC-Governor Mujiv S. Hataman ng isang pulong na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng rehiyon.

Tinalakay sa pagtitipon ang kasalukuyang kalagayan ng ‘peace and security’ ng ARMM.

Ipinaalam kay Hataman ang estado ng peace and order ng rehiyon kasabay ng paglalahad ng gobernador na mabago ang problema sa kapayapaan ng rehiyon. Ito ang isa sa kanyang priyoridad sa kanyang panunungkulan sa loob ng labing pitong buwan.

Sinabi ni Hataman na kailangang malaman ng kanyang administrasyon kung anu-anong mga bagay na kailangan niyang tutukan kung seguridad ang pag-uusapan.

“Itong peace and order consultation meeting ay preparasyon sa ipapatawag ng Regional Peace and Order Council (RPOC), ARMM na RPOC meeting sa hinaharap,” pahayag ni Hataman.

Ayon kay Hataman, kailangan nang isapormal ang konseho para malaman na kung paano reresolbahin ang problema sa seguridad ng rehiyon.

Kasama rin sa nasabing pagpupulong ay ang mga kinatawang opisyales ng Eastern Command at Western Command na sakop ng ARMM.

Binigyan si Hataman ng security briefing ng nasabing mga command.

Tinalakay din ng gobernador ang nais nitong reporma na gawing bahagi ng regional government ang PNP at AFP.

Isa sa nais bigyang pansin ng ARMM government, kaakibat ang military at pulisya, ay ang pagbabantay sa problema sa illegal na pagtotroso sa Lanao del Sur at sa “greening program” program sa rehiyon base sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino. (Moner C. Dayaan-PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines