Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: P48M maaring pakinabangan ng mga farmer organization

KORONADAL CITY, South Cotabato, Enero 18 (PIA) -- Inihayag ng Department of Agriculture Region 12 (DA-12) na may P48 milyong pondo para sa high-value crops development program na maaaring pakinabangan ng mga organisadong magsasaka sa Region 12.

Ang kailangan lang ay magsumite ng project proposal sa DA-12 sa pinakamalapit na municipal agriculture office at lokal na pamahalaan, ayon kay Danilo Centillas, high-value crops coordinator ng DA-12.

Maliban sa mga samahan ng mga magsasaka, maari ding magsumite ng project proposal ang mga non-government organizations, civic organizations, peoples’ organizations at maging mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Centillas, kabilang sa mga interbensyong maaring mapakinabangan ng mga proponent ang mga binhi, kagamitang pansaka at makinarya.

Sa buong 2012, target ng DA-12 high-value crops development program ang makapamahagi ng 100,000 binhi ng kape, 100,000 binhi ng rubber at 50,000 binhi ng cacao.

May nakalaan ding 20,000 kilong binhi ng soy beans, 500 kilong binhi ng lowland vegetables tulad ng talong, kalabasa, ampalaya at iba pang tinaguriang “pinakbet” vegetables at 65 na kilong upland vegetables tulad ng repolyo, carrots, cauliflower at iba pa.

Mayroon ding 50,000 binhi ng iba’t-ibang prutas at 20,000 binhi ng saging na saba.

May mga ayuda rin para sa mga kagamitang pansakahan tulad ng sprayer, tractor, kalabaw at iba pang suporta sa pagsasaka.

Paalaala ni Centillas sa mga interesadong magsumite ng project proposal, kailangan lang gawing simple ang project proposal at ihanda batay sa pormang maaaring kunin sa pinakamalapit na municipal agricultural office.

Kailangan lamang na “sustainable” ang mga proyektong ipinapanukala ng mga grupo at organisasyon at ipa-endorso sa kanilang lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, mayroon pa lang 59 project proposal na natatanggap ang DA-12, karamihan dito ay galing sa North Cotabato. Dahil dito hinikayat nila ang mga interesadong grupo sa mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat na samantalahin ang ayuda ng pamahalaan. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines