Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Bagong ARMM cabinet members, kinilala ni OIC Hataman

KORONADAL CITY, South Cotabato, Enero 18 (PIA) -- Sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Center, pinangasiwaan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) caretaker governor Mujiv Hataman ang panunumpa sa katungkulan ng kanyang bagong gabinete.

Ayon kay Hataman, lahat ng kanyang bagong cabinet secretaries ay kuwalipikado at dumaan sa masusing pagpili ng screening committee bago itinalaga sa posisyon.

Kinakatawan din nila ang lahat ng etnikong tribu na nasa autonomous region, dagdag ng OIC governor.

Sinabi din niyang masusi niyang babantayan ang mga cabinet secretaries sa unang 100 araw sa kanilang panunungkulan bilang bahagi ng kanyang reformed transitional agenda na nakabase sa mithiin ng Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, ipinangako din sa kanya ng mga miyembro ng bagong gabinete ang pagiging bukas sa lahat ng kanilang mga transaksyon at pagpapatakbo ng bawat tanggapan ng ARMM.

Kabilang sa mga bagong itinalaga ay sina Atty. Jamar Kulayan para sa Department of Education, Forester Kahal Kedtag sa Department of Environment and Natural Resources, Marites Maguindra sa Department of Trade and Industry, Professor Sangkula Tindick sa Department of Agriculture and Fisheries, Halim Mohammad para sa Department of Agrarian Reform, Dr. Kadil Sinolinding Jr. sa Department of Health, Haroun Lucman Jr. para sa Department of the Interior and Local Government, Muslimin Jakilan sa Department of Labor and Employment at Engr. Emil Sadain para Department of Public Works and Highways.

Itinalaga rin ni Hataman bilang bagong Cabinet Secretary si Norkaila Mambuay-Campong at si Atty. Abdulmuin Pakang bilang Regional Solicitor-General. (ac agad/PIA12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines