Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog news: Libu-libong guro sa Maguindanao nagparehistro para sa LET

COTABATO CITY, Ene. 18 (PIA) -- Umaabot sa mahigit 30,000 guro sa iba’t-ibang pampublikong eskwelahan sa lalawigan ng Maguindanao ang nakapagrehistro upang makakuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) sa darating na Marso, 2012.

Ang nasabing mga guro ay sumailalim sa libreng review classes noong Disyembre ng nagdaan taon na itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao bilang tulong sa maraming mga titser sa elementarya na hindi pa board passer at may kakulangan ng perang pambayad sa review at registration para makakuha ng LET.

Ayon kay Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangundadatu, mismo ang taga Professional Regulatory Commission (PRC) ang nagsagawa ng registration para maseguro na mga hindi pa lisensyadong guro ay makakuha ng pagsusulit.

“Hangad natin na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga guro na magkaroon ng “security of tenure” upang sila ay lalong maging masipag at masipag sa pagganap ng kanilang tungkulin sa paghubog ng mga magaaral para umangat ang kalidad ng edukasyon sa prubinsiya,” ayon kay Mangundadatu.

Aminado ang opisyal na maraming gurong non-board passer sa lalawigan ang nagsisilbing volunteer teacher sa loob ng ilang taon at tumatanggap ng kakarampot na sahod dahil sa kakulangan ng kinakailangan professional license para sa mga titser.

Sinabi rin ni Mangundadatu, nabigyan ng reviewer ang lahat ng gurong kukuha ng pagsusulit sa LET kasabay ang pagpapaabot ng suporta at panalangin ng tagumpay na maipasa ito.

“Ako’y kasama n’yo na manalangin na mabigyan kayo ng tibay ng loob, presence of mind at tiyaga para makapasa,” ayon sa mensahe ni Magundadatu sa mga titser. (pbchangco/PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines