Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog news: So. Cotabato LGU, pribadong ospital nagkasundo sa pangangalaga ng riparian zone sa Banga River

KORONADAL CITY, Enero 19 (PIA) -- Pumirma ng kasunduan kamakailan ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa pamamagitan ng Allah Valley Landscape Development Authority (AVLADA) at ang pamunuan ng South Cotabato Medical Cooperative Medical Center (SOCOMEDICS) para sa pangangalaga sa isang kilometrong riparian zone sa bahagi ng Banga River sa Barangay El Nonok sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Sa pamamagitan ng naturang kasunduan nangangako ang SOCOMEDICS na isang pribadong ospital na nakabase sa lungsod ng Koronadal na kupkupin ang lugar at pamahalaan ang pagmimintina, rehabilitasyon, at proteksyon ng tabing-ilog.

Kabilang sa gawain ng cooperative hospital sa riparian zone and pagtatanim ng kawayan, mga bungang kahoy , 'forest trees', at 'Vetiver grass' na parehong tumulong na mabawasan ang epekto ng pagbabaha at pagkabagbag ng gilid ng ilog.

Sa pirmahan ng memorandum of agreement, nagpasalamat si Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. kay Dr. Amelia Pajaro, president ng SOCOMEDICS at sa pribadong sektor sa kanilang tulong sa lokal na gobyerno sa mga hakbanging sisiguro sa pangangalaga ng kapaligiran at pagpigil ng mga sakuna na maaring idulot ng baha at pagguho ng lupa.

Umaasa si Gov. Pingoy na mas marami pang mga organisasyon, negosyo, at iba pang grupo sa pribadong sektor ang makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa kaparehong ugnayan.

Sinaksihan ang MOA signing nina El Nonok Chairman magno Reyes Jr., Banga MENRO Elmer Tira, DENR-Banga CENRO Shalimar Disomangcop, AVLADA Manager Silverio Tandog, at OIC PEMO Seigfred Flaviano. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines