Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog news:SOCOTECO 1 maaring magpapatupad ng power curtailment

KORONADAL CITY, Enero 20 (PIA) -- Inamin ng pamunuan ng South Cotabato 1 Electric Cooperative (SOCOTECO 1) na may posibilidad na makararanas ng panakanakang brownout ang nasasakupan ng kooperatiba.

Sa isang panayam, sinabi ni SOCOTECO 1 General Manager Santiago Tudio na noong nakaraang taon pa man nabawasan na ng mahigit 2 megawatts ang suplay na kuryente na ibinibigay ng Napocor sa kooperatiba.

Paliwanag ni Tudio, wala kasing karagdagang suplay ng kuryente sa Mindanao habang tumataas ang naman ang kailangan ng suplay ng kuryente sa nasasakupan.

Sa kasalukuyan nasa 28.8 MW ang alokasyon ng SOCOTECO 1 samantalang umaabot ng hanggang 31 MW ang kailangan ng mga konsumidor nito.

Kung mananatiling lumalampas sa suplay ang ginagamit ng mga miyembro mapipilitan umano silang magpatupad ng power curtailment sa ilang feeders sa panahon ng peak load.

Sa layong punan ang suplay ng kuryente sa lalawigan, binubuo ngayon ng SOCOTECO 1 ang isang kasunduan sa Aboitiz Power hinggil sa pagbili ng karagdagang suplay ng kuryente. Subalit mangangahulugan aniya ito ng bahagyang pagtaas ng bayarin ng mga kunsumidor.

Kaugnay rito, nakikiusap si Tudio sa mga miyembro na tumulong sa pagtitipid sa paggamit ng kuryente lalung lalo na sa peak hours.

Kabilang sa mga suhestiyon niya ang huwag pagsabayin ang paggamit ng mga kagamitang de kuryente lalung lalo na mula alas singko ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi. Gawin din ang pamamalantsa sa mga oras na hindi gaanong marami ang gumagamit ng kuryente.

Mahigit 80 porsiyento ng kunsumidor ng SOCOTECO 1 ay household users. (DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines