Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

Tagalog news: Mga bodega ng irrigators’ association inaayos ng DA

KORONADAL CITY, Enero 24 (PIA) -- Bilang paghahanda sa nalalapit na anihan, pinapaayos ngayon ng mga irrigators’ association sa rehiyon ang kanilang mga bodega.

Naisakatuparan ito dahil sa tulong ng Department of Agriculture -12 (DA-12) na siyang nagbigay ng pondo para sa pagpapaayos ng mga imbakan ng mga produkto ng mga magsasaka at kanilang gagamiting binhi sa pagtanim.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan aabot sa 35 na bodega ng mga irrigators’ association ang kasalukuyang sumasailalim sa pag-aayos at pagkukumpuni.

Dalawampu’t tatlo rito ay sa lalawigan ng North Cotabato, 11 sa South Cotabato, at isa sa Sarangani.

Aabot sa P4.6 milyon ang inilaan ng DA-12 sa naturang proyekto. Ang bawat asosasyon ay nabibigyan ng mula P100,000 hanggang P450,000, ayon kay Director Datukan, base na rin sa isinusumiteng project proposal ng mga irrigators’ association.

Ang naturang proyekto ay may kaugnayan pa rin sa programang Seed Banking ng Kagawaran ng Agrikultura kung saan hinihikayat ang mga magsasaka na sila na mismo ang magpo-produce ng kanilang sariling binhi.

Matatandaang wala nang subisidiya sa binhi ang ibinibigay ang pamahalaan. Sa halip, pinagbibili na sa kanila ang dalawang kilong binhi ng palay sa halagang P80; ito na rin ang kanilang pararamihin para makapag-produce ng binhi na siya naman nilang gagamitin sa kanilang mga sakahan.

Sa ganitong pamamaraan, nakakasiguro umano ang mga magsasaka na puro at de kalidad ang kanilang itatanim na binhi dahil sila mismo ang may gawa.

Sa ganitong paraan, parehong nakakapagtipid ang mga magsasaka at ang pamahalaan.

Iilang irrigators’ association na rin ang nagpaabot ng pasasalamat sa pamunuan ng DA dahil sa ayuda sa pagpapaayos ng kanilang mga bodega. Ilan sa kanila nagsabing malaking tulong ang proyekto na magkaroon sila ng maayos na pag-imbakan ng kanilang mga binhing palay at mapreserba ito habang hindi pa nagagamit. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines