Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

Tagalog news: Programang pangkabuhayan para sa mga preso sa South Cotabato mas pinaiigting

KORONADAL CITY, Enero 24 (PIA)--Mas pinapaigting sa ngayon ang livelihood program para sa mga preso sa loob ng Provincial Jail ng South Cotabato.

Ayon kay Felicito Gumapac, OIC Provincial Jail Warden, may livelihood program na inilaan ang pamunuan ng provincial government para sa mga preso.

Ang mga detainee ay gumagawa ng handicrafts, toilet bowls, hollow blocks at culvert. Kapalit nito ay tumatanggap sila ng labor fee na nagmumula rin sa provincial government ng South Cotabato.

Ang natatanggap na labor fee ng mga presong manggagawa ay napupunta rin sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon pa kay Gumapac, mga pinagkakatiwalaang preso lamang ang hinahayaan nila na makapunta sa likod na bahagi ng provincial jail na inilaang pagawaan ng mga proyekto, at mayroon silang listahan ng mga presong pinapayagan na makapasok sa lugar.

Maliban sa handicraft area at pagawaan, matatagpuan din sa likod ng provincial jail and kanilang fishpond at ang kusina ng kulungan.

Ayon pa kay Gumapac kabilang sa kanilang mga naging kustomer sa mga produkto ang pamahalaang panlalawigan at Department of Education.

Kaugnay rito nananawagan si Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. sa mga mamamayan ng South Cotabato na tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga preso.

Sa ngayon, mayroong mahigit sa 900 na detainee sa loob ng Provincial Jail ng South Cotabato. (KJNavecis/ PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines