Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: 11,000 na pamilya, natanggal sa listahan ng benepisyaryo ng 4Ps

ni Danilo E. Doguiles

KORONADAL CITY, South Cotabato, Enero 27 (PIA) -- Aabot na sa 11,367 na pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Rehiyon Dose ang naalis sa listahan ng mga makatatanggap ng conditional cash grant ng pamahalaan simula pa noong 2008.

Ito ay ayon sa kumpirmasyon ni Bai Zorahayda Taha, regional director ng Department of Social Welfare and Development 12 (DSWD).

Paliwanag ni Director Taha, ito ay alinsunod sa nagpapatuloy na pagsisikap ng ahensiya na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa mga hindi kwalipikadong mga benepisyaryo dahil ang tulong pinansyal ay nakalaan lamang sa mga napapabilang sa “poorest of the poor.”

Batay sa isinagawang pagsusuri sa listahan ng mga benepisyaryo, may mga napasaling mga guro, mga opisyal ng barangay, kawani sa pamahalaan at maging mga Overseas Filipino Workers.

Dahil aniya ito sa ilang kamalian sa encoding ng survey sa National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) at sa hindi pagsunod ng mga benepisyaryo sa mga kondisyon ng cash grant.

Matapos ang validation, natanggal sa listan ng makakatanggap ng conditional cash grant ang 3,734 na pamilya sa Sultan Kudarat, 3,594 sa South Cotabato, 2,543 sa Sarangani, 975 sa North Cotabato at 211 sa Cotabato City.

Samantalang inaasahang madaragdagan ng 96,695 na pamilya ang mga benepisyaryo ng 4Ps ngayong taon dahil sa pagpapalawak ng anti-poverty program ng pamahalaan sa 15 bayan at lungsod sa buong Rehiyon Dose. (DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines