Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog news: ARMM OIC governor Hataman tiyak na susuportahan ng mga UN donor countries

KORONADAL CITY, Enero 27 (PIA) -– Patuloy na suporta para sa pag-unlad ng rehiyon ang tiniyak ng mga kinatawan at opisyal ng United Nations (UN)-donor countries kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) acting Regional Governor Mujiv Hataman sa ginawang pagpupulong ngayong linggo.

Buong suporta at tiwala ang mga nasabing opisyal sa iprinisentang Reform Agenda na nais ipatupad ni Hataman sa susunod na 19 na buwan ng kanyang panunungkulan.

Ang Reform Agenda ni Hataman ay nakabase umano sa repormang nais ding isulong ng Pangulong Benigno Aquino III para sa autonomous region.

Ang mga positibong ipinangako ng mga international donor countries gaya ng pagpapatuloy ng kanilang suporta para sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon ay itinuturing ni Hataman na mahalagang bagay para sa pagsulong ng mga programa ng pamahalaan para sa rehiyon.

Dahil dito, pinasalamatan din ni Hataman ang mga tulong na tinanggap ng ARMM para sa mga residente at ang pagpapatuloy pa umano ng tulong mula sa World Food Programme, World Health Organization (WHO), International Organization for Migration, United Nation Commission on Human Rights, UNICEF, UNDP, UNFPA, EU AT AusAID.

Tinukoy din ni Hataman ang mga nabanggit na organisasyon na mahalagang katuwang ng ARMM lalo na sa paghahatid ng serbisyo sa mga residente ng rehiyon. (ac agad PIA12)

Tags:

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines