Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Sunday, January 29, 2012

Tagalog News: Patuloy na pag-uulan, bentahe sa mga magsasaka sa So. Cotabato

ni Danilo E. Doguiles

KORONADAL CITY, South Cotabato, Enero 29 (PIA) -- Bagama’t may inaasahang kakulangan ng suplay ng tubig ang mga magsasaka sa malaking bahagi ng South Cotabato dahil sa napipintong pagsasara ng Ala River Irrigation System simula sa kalagitnaan ng taon, may malaking tulong naman sila mula sa kabihasnan upang paghandaan ito.

Sa isang panayam, sinabi ni South Cotabato Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste na may bentaheng dala ang patuloy na pag-uulan na maaaring samantalahin ng mga magsasaka sa South Cotabato.

Dahil sa patuloy na pag-uulan, may tsansa pa ang mga magpapapalay na agad simulan ang pagtatanim para sa isang panibagong cropping season bago pa magsasara ang dalawang dam ng Ala RIS.

Magagawa umano ito lalu pa kung ang gagamiting klase ng palay ay yong maaani na sa loob ng 100 araw.

Matatandaang inihayag ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration nitong ikalawang linggo ng Enero na isasara simula sa Mayo 1 ang Ala RIS para ipatupad ng rehabilitation project na nagkakahalaga ng P138 milyon.

Tinatayang aabot sa 7,000 ektaryang palayan sa mga bayan ng Banga Surallah, Sto. Niño at Norala sa South Cotabato ang mawawalan ng suplay ng tubig habang kinukumpuni ng dalawang dam. Maliban dito halos 3,000 ektarya sa mga bayan ng Isulan at Bagumbayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang mawawalan ng tubig.

Sa taya ng OPAG ng South Cotabato, aabot sa tatlong buwang suplay konsumo ng mga mamamayan ng South Cotabato ang mawawala sa produksyon ng mga apektadong bayan, kung kaya’t hinihikayat nila ang mga magsasaka sa mga naturang lugar na ituloy-tuloy ang pagtatanim habang may suplay pa na tubig.

Wala naman umanong dapat ikabahala ang mga apektadong magsasaka dahil nakahanda na ang ilang interbensyon at ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan at DA, tulad ng pagmamahagi ng mga binhi ng mga alternatibong pananim tulad ng mais, gulay at iba pang mapagkakitaan habang walang suplay ang dam.

Binigyan diin pa nito na hindi gaanong maaapektuhan ang mga magsasaka sa pansamantalang pagsara ng Ala RIS dahil madali aniya silang makapag-adjust.

Maliban sa palay, ayon kay Legaste, malaking tulong din sa mga magsasakang nagtatanim ng mais ang patuloy na panakanakang pag-uulan sa upland area. (DEDoguiles/PIA-12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines